HE JUST LOOK AT ME LIKE NOBODY
Andito na kami sa mall. Hinila na agad ako ni Garyl sa bilihan ng mga damit.
Sa totoo lang,wala talaga akong ka gana'gana. Hindi ko feel mag shopping ngayon. Paki ramdam ko,nanlalambot pa din ako.
"Girl,bagay ba to sakin?"
"Garyl,naka ilang tanong ka na sakin ah. Decide with your own." Pag susuplada ko sa kanya.
"Ang init naman ka agad ng ulo mo. Suplada. Tss." Natawa naman ako sa naging reaksyon nya. Ee kasi naman. Naka ilang tanong na siya.
Bumili din ako ng ilang damit. May mga bagong labas ngayon kaya nagustuhan ko na ding bumili.
Nakaramdam kami ng gutom kaya mag dederetso muna kami ngayon sa isa sa mga restaurants nina Garyl.
Meron silang restaurant dito dahil halos lahat ng mall ay meron silang branch ng restaurant nila. Chef ang daddy nya at business woman naman ang mommy nya. Kaya madali silang nakapag patayo ng mga restaurants.
Umorder kami ng Italian pasta at kung ano ano pa. Hilig din talaga namin kumain nitong babae na ito. Pero sa totoo lng,kailangan ko talagang bumawi sa kain. Ilang araw din akong nag mukmok at halos hindi na ko kumain.
Ng dahil lng sa pagiging heartbroken.
At yun na nga,kumain ako ng madami at binusog ko ang sarili ko.
Napatingin ako sa labas ng restaurant. At madami nman akong nakikitang school mates. Week end ngayon kaya walang pasok.
Pag katapos naming kumain ni garyl,tumayo na kami at lumabas na ng restaurant.
Ayaw pa daw umuwi ni Garyl kaya napag desisyonan namin na wag muna umuwi at mag lakad lakad muna.
Sa pag lalakad,napatigil ako.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Nakita ko sya,yung boyfriend ko. Ahh hindi na pala. Ex ko na sya. D ko na sya boyfriend. Naiinis ako sa nakikita ko. Hindi ko alam kung anong magagawa ko.
"Girl!" Nagulantang na lang ako sa tawag ni Garyl. Nakatulala na pala ako.
Nakita ko ang ex ko,tiningnan nya ko,pero parang wala lang. :(
Parang hindi nya ako kilala.
Hindi nya man lang ako pinansin.
Hindi man lang sya tumigil para pansinin ako,para kamustahin ako. Naiiyak ako. Hindi ko alam,pero parang mas gusto ko na lang mawala dito sa kinatatayuan ko.
"Jem!" Sigaw ulit ni Garyl sakin. Niyakap nya ko. Mas lalo naman akong napahikbi sa pag kakayakap nya. Hindi ko na pinapansin ang mga taong nag lalakadan, wala akong paki alam sa kanila.
"Tara na" yun na lng ang nasabi ko kay Garyl. Hindi ko na kaya. Alam kong sobra'sobra na tong nararamdaman ko,hindi lang pinansin e napaiyak na agad ako?? Ang OA ko naman. Nagagalit ako sa sarili ko.
Masyado ko syang mahal. Hindi ko alam kung paano ako mag sisumulang mag move on. :(
BINABASA MO ANG
How can I move on?
Novela JuvenilPaano ka nga ba makaka limot kung nasanay ka ng lagi mo syang kasama. Kung sa bawat kilos at galaw mo,nasanay kang ipina aalam mo sa kanya. Yung bang sya na ang nagiging diary mo,sa araw araw na dumadaan? Paano nga ba ako makaka move on? Ee parang...