Autobiography ng isang "PROSTI"

124 1 0
                                    

May pag asa pa nga ba ang isang tulad ko?

   Minsan, sa buhay natin, maraming pagsubok na dumadating. Ipupusta ko lahat ng cuticle sa kamay at paa ko kung merong isang tao na hindi nakaranas ng problema. May iba nga na hindi kinakaya at sumusuko na lang. Pero hindi ako ganon. ASTIG ako eh!

  Habang nanonood ako ng documentary film ni Marilyn Monroe, isang sikat na personalidad noong panahon niya.. naisip ko, parehas pala kami. Isa rin syang simpleng babae na nangarap, nagmahal, umasa at paulit-ulit na nasaktan tulad ko. Kagaya niya.. marami din akong napagdaanang hirap, sakit at pighati at pagkaligaw. Pero, hinding hindi ako susuko.

Nung bata pa ako, walang nagsabi na maganda ako. Simula noon, naisip ko na dapat, lahat ng magulang.. sinasabing maganda ang anak nila..kahit hindi totoo. Noon, gusto kong maging pinakamaganda, pinakamatalino at pinakasikat sa lahat ng kakilala kong bata. Pero hindi naman nangyari. Sa batang edad ko, Kinailangan kong makipagkumpetensya. Hindi niyo ako masisisi. Kasi lagi akong ikinukumpara. At doon nagsimula ang insecurities ko.

Wala akong kaibigan. Hindi ako pinapayagan ng nag ampon sa akin na makipagkaibigan sa ibang tao. Napakahirap ng pinagdaanan ko bilang bata. Sa musmos kong edad, nalaman ko na ampon lang ako ng kinalakihan kong magulang; at binenta lang ako sa kanila ng tunay kong ama. Napakaraming tanong sa isip ko. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang sagot. O kung dapat ko pa nga bang hanapin. Gusto kong malaman kung saan ako nanggaling.. Saan ba ako dapat? Saan ang lugar ko?

Nung lumalaki na ako, naunawaan ko na dapat akong makipagkumpetensya. Mahirap makipagkumpetensya para sa pagmamahal; at para lang mahalin. Nakakapagtaka kung bakit kailangan kong makipagkumpetensya para lang mahalin.. at  magpapansin. Pero, lagi naman akong bigo. Lagi akong talunan.

Noon, tinitingnan ko ang mga bituin at sabi ko: "Isang araw.. magiging kasingningning mo ako. magiging kasingtaas mo ako!" tapos makakatulog ako ng may ngiti sa labi. Sa musmos na edad ko, Lagi akong nangangarap na isang araw, may dadating na " prince charming" at irerescue ako sa miserableng buhay na meron ako. Ipaparamdam niya sakin ang pagmamahal na hindi ko dinanas simula ng magkaisip ako.

Ampon ako ng isa sa pinakamayaman at pinakamakapangyarihang tao sa bayan namin. Isang Business tycoon at pulitiko na may mataas na posisyon. Pero hindi sila magkaanak. At dahil kailangan siguro nilang ipakita sa tao na sila ay may isang masaya at buong pamilya, o siguro, dahil sa awa, Inampon nila ako simula ng sanggol pa lang ako. Ang akala ng iba, napakaswerte ko. Pero mali ang akala nila. Dusa at hirap ang pinaranas nila sakin. Pisikal at emosyonal.  Pinag aralan kong maging matatag sa bata kong edad. Pinilit kong labanan ang sakit. Hanggang makasanayan ko na.

Nang umedad ako ng katorse,nasa high school ako nung tumakas ako at naglayas dahil sa takot ko sa kanila. Binubully ako sa school pero di ako makapagsumbong sa kanila. Hanggang dumating na ang sukdulan. Pinagtulong tulungan ako ng mga taong yun at sinabi na founder daw ako ng fraternity. Anak ng patolang pitong kilo! Napakapayat at liit ko noon, ni hindi nga ako makalaban sa kanila eh. Pero wala akong magawa. At sa takot ko na makarating kina mommy, naglayas na lang ako.Alam ko na rin kasi kung ano ang kahihinatnan ko.

Sa unang pagkakataon sa buhay ko.. noon ko lang naramdaman na may buhay ako, bagama't takot na takot talaga ako! Pakiramdam ko, Malaya na ako! Matagal ko ng pinangarap ito at akala ko, ito na yung kailangan ko noon pa man.

Hindi ko alam ang gagawin ko.  Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Walang pagkain, tirahan, damit. Naalala ko pa na tigpipisong tinapay lang ang laman ng sikmura ko sa maghapon. Ewan ko ba! pero ang saya saya ko.. pakiramdam ko, isa akong ibong nakawala sa isang gintong hawla. Nilakasan ko ang loob ko. Paninindigan ko kung ano yung gusto ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Autobiography ng isang "PROSTI"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon