EIGHT

16 1 2
                                    

Eight - Problema mo?!


"Ma'am Gina.. 5am na po."

"H-huh?" Umupo ako.

"Ma'am, naka ready na po yung breakfast niyo."

"U-uh.. oo.."


Tumingin ako sa digital watch sa side table ko. 5:00am na nga.


"Pucha naman, kakatulog ko lang e. Aaaagh!"


30 minutes nga lang ata tulog ko e, tulog ba tawag dun?. Bwisit. Ang tanga ko naman kasi, di ko alam kung paano na gagawin ko. Bwisit naman kasi talaga e. Di pa ako nakatulog kakaisip kung paano na ang gagawin ko ngayon, kung haharap ba ako sa kaniya na parang walang nangyari o ano.. Aaaaaghh..

Bumangon na ako para makaligo at makapag handa na. Pagkakain ko nagtoothbrush ako.


"Ano ba namang klaseng itsura yan Gina." sabi ko sa sarili ko.


Ang laki ng eyebags, parang nakahithit ng drugs, sabog ang buhok, at mukang baliw. Nakakainis, mukang kailangan magsalamin ako, pa'no na lang ako haharap kay Nikko nito. Asar.


"Aalis na po ako," I said at lumabas na.


Alam ko na gagawin ko, iiwasan ko na lang si Nikko ngayong araw. Gagawa ako ng paraan para di kami magkalapit mamaya.

Lumabas ako ng gate ng bahay, at pagka sara ko ng gate..


"Crushmate! Magandang umaga!" nagulat naman ako nang marinig ko ang boses ni Nikko.

"Aaay! Pusang- Nikko?"

"Hi!" naka ngiti lang siya. "Ang cute mo naman." nag hikab siya. "Tara na?" tumango ako.


Napangiti naman ako, ang galing.. Akala ko magiging awkward na dahil sa nangyari kagabi.


"Gina, you don't have to worry. Okay lang." sabi niya at naghikab ulit


Napatingin naman ako sa kaniya. Mejo.magulo ang buhok niya, tapos naka salamin din siya ngayon.


"Nikko, bat naka salamin ka?"

"Puyat e, para di gaano halatang sabog. Saka muka namang bagay sakin saka sa event natin sa school, pogi ko no?" Binatukan ko siya ng bongga na nagpatawa naman sa kaniya."HAHAHAH. Ikaw din noh?"


Tumango na lang ako.

Biglang nawala yung worry ko. Akala ko magiging awkward pa e.

Teka.... Parang mas awkward ang ganto ahh..


~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~


Nagsimula na yung event namin. Busy nadin lahat sa amin, si Chandy ang naka hawak sa front desk namin kung saan siya yung nagpapa-pasok ng mga customers, si Cheska ang main waitress namin, si Mich naman nasa kusina, ako at si Nikko nakabantay lang sa booth namin since kami naman ang Pres ang V.Pres

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unlike Any Other - HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon