SEVEN

37 1 0
                                    

Seven. WRONG NUMBER!

"Nakapag pagawa ka na ba ng tarpo?" Tanong ni Nikko kay Chandy.

"Yes pres, makukuha ko na mamayang gabi. So tomorrow morning bago mag start ang event maikakabit na." sagot naman ni Chandy.

"Michael, okay na yung mga damit?" bumaling naman siya kay Mich.

"Yes sir, dadalhin ng mga alalay ni mommy dito mamaya." sagot ni Mich na busy sa pagkakabit ng mga design sa pinto.

"Cheska yung iba pang mga gamit naka ayos na ba?" kay Cheks naman siya humarap.

"Tadaaaaa~ ayan! Okay na lahat, pati yung gagamitin nating semi-kitchen okay na. Kumpleto na utensils, chairs, tables, and yung iba pang gamit for the mini booths." sabi ni Cheks na inaayos naman yung mga table.

"Good good, we're almost all set na Topaz. Gi, okay na yung music?" ako naman yung hinarap niya.

"All set," sabi ko habang inaayos ko yung sa station ko.

Nagvolunteer ako sa music set and photography. Ang naisip kasi namin-nila na gawin ay tinatawag na Lovers Café. Si Cheska ang naka isip nito. Bawal ang single na costumer dito, mayroon pang mini booth sa mismong cafe, may marriage booth, photo booth, at chain booth.

Kaniya-kaniya kami ng assignments na gagawin at dadalhin, well kaming magkakaibigan nag volunteer na, si Cheks ginamit yung sa business ng family niya para sa pinaka gamit dito sa room, si Mich ang nagpatahi sa mga damit namin bukas, ako sa mga speaker at pang photobooth, si Chandy para sa mga fliers at design ng room, si Nikko sa food at drinks.

Ilang sandali lang ay dumating na yung mga damit para bukas. Pinamigay na ito tapos nagligpit nadin kami.

"Okay na guys! Reminder tomorrow 6:30am nandito na haa? Wag kalimutan ang mga position niyo bukas." mejo authorative na sabi ni Nikko.

"Yes!" sagot naman nila.

"Sige pwede na kayong umuwi guys."

Lumabas na sila, naiwan kaming 5 dito sa room, lagi naman.. Hahahahaha.

"Excited na ako para bukas!" sigaw ni Cheks.

"Ako din! Makikita ko na ulit si Dendi." nag form na stars ang mata ni Mich na nagpababa sa aura ni Cheks.

"Natapos nadin sawakaaaaaas," nag iinat na sabi ni Nikko.

"Oo nga pres!" sabi ni Mich. "Papatok 'to panigurado! Kakaiba 'tong naisip nati- ni Cheks. Inlababo ka no?" Humarap siya kay Cheks at inakbayan ito.

"Heh! Magtigil ka nga!"

"Haaay, nakakapagod." sabi ni Nikko.

Umupo siya sa tabi ko, tiningnan ko siya. Pawis na pawis kahit naka aircon naman, nakabukas yung unang dalawang butones ng polo niya, at mejo magulo ang buhok niya. Kahit ganun ang presko at ang gwapo niya padin tingnan.

"Tara Cheks, iniintay na tayo sa bahay." tumayo na si Mich sa pagkaka upo.

Hmm, iniintay na TAYO sa bahay. Binigyan ko ng meaningful na tingin si Cheks.

"Haa?" sabi ni Cheks.

"Pinapapunta ka ni mommy diba? Nahihibang ka nanaman. Tara naaaa!" ooooh, tiningnan ko pa lalo si Cheks.

"Ha, eh, sige." tumayo na siya.

"Bye guys! Bukas na lang." pagpapaalam nila, kasama na si Chandy. -_____-

Pagka labas nila tahimik na. Kami na lang ni Nikko ang nandito e, sa totoo lang di ko alam kung bakit di pa ako tumatayo at umaalis. Di ba yun naman ang dapat kong gawin?

Unlike Any Other - HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon