CHAPTER 1 - First Clash

50 8 24
                                    

Sam Neruh's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sam Neruh's POV

"Sam alam mo na magpakabait ka huwag mo na ilalabas pagkamaldita mo" sabi ni Kierra habang umaandar ang sasakyan namin papuntang Dewford University

"Yes sir , alam mo kier? Feel ko ang ganda ng first day natin ,yung temperatura ngayon tama lang , yung weather hindi mainit hindi maaraw , yung uniform natin ang ganda kaya feel ko magiging masaya ang school year ko ngayon sa Dewford University" pagpapaliwanag ko sa kaniya habang umaakting na ang gaan ng loob ko

"temperatura ka diyan malamang nasa sasakyan ka kaya hindi mainit paglabas naten mainit noh" sabi niya na natatawa

"Sabi ko nga pero kahit na magiging maganda pa ren ang araw ko for sure ko yan" sabi ko at nakangiti .

"Abay dapat lang noh malalagot ka kay Tita kapag umiral yang kamalditahan mo" sabi ni Kierra , btw siya pala si Kierra pinsan ko isa sa pinakaclose ko alam niya lahat ng secret ko pag uwi ko sa kanila muna ako tumuloy at pinabantayan ni mommy

Good thing Dormitory School ang Dewford University kaya hindi na nakakapagod sa byahe

"Oh andito na kayo , magpakabait kayo ah " sabi ni Tito nang makahinto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking unibersidad , whoaah sobrang laki nga gaya ng sabi ni Kierra pero mas malaki ito sa inaakala ko

"Pa alis na kami thank you" sabi ni Kierra at yumakap sa tatay niya . Sana all malapit sa Daddy , si dad kasi laging busy sa work sa states halos hindi niya nga ako nabibigyan oras eh normal na usap lang kami kapag nagkikita pero syempre alam kong mahal na mahal ako ni dad kahit sobrang busy

"Tito maraming salamat po, una na po kami" sabi ko kay tito at ngumiti

"Sige mag ingat kayo magpakabait kayo , bumisita kayo sa bahay kapag may oras ah? " sabi naman ni tito at tumango kami parehas ,umalis na siya dahil may trabaho pa daw siya . Bumaba na kami ni Kierra sukbit sa braso ang bag namin at nagsimulang maglakad papuntang entrance ng School

"Welcome to Dewford University " Kierra said while we start walking to the entrance " Dewford University is one of the most biggest and prestigious schools in the Philippines"

Pagpasok palang namin ay halatang mahigpit ang security dahil maraming guards at isa isang chinecheck and bags ng mga estudyante . Malalaki ren ang mga Gates at Walls nito , pagpasok mo palang ay may Fountain na sa gitna at kapag inikot mo ang panginin mo ay parang maliligaw ka sa lawak

"Ang laki diba? Well later I will Tour you pero first lets check our Schedule and ayusin muna gamit naten sa dorm " sabi ni Kierra at papuntang main hall

Nagkukumpulan ang mga estudyante para makita ang mga Schedule ng biglang humati ito sa gitna , whoa? Ganon ba ako kaganda para bigyan nila ng daan at tignan ang Announcement board . Naputol ang pagpupuri ko sa sarili ko nang biglang may nagsalitang lalaki sa likod

TARGETING THE BAD BOY's HEART Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon