CHAPTER 5 - Run

11 4 3
                                    

Sam Neruh's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sam Neruh's POV

"I Think I like you Sam" Wika ni Daniel na ngayon ay hawak ang dalawang kamay ko at nakatigtig sa mata ko

Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung kikiligin ba ako or masusuka or matutuwa or literal natatawanan siya

"Sorry Daniel pero ano kasi...." Ani ko habang umiisip ng palusot . Grabe ganto na ba kahirap magreject? Oo alam ko madami na ako na reject pero ang hirap manreject kapag alam mong famous yung irereject mo plus alam mong bash abot mo. Well kahit naman ireject ko siya or hindi madaming galit saking Lil Daniel HAHAHAHA

"Hindi mo na kailangan umisip ng palusot Sam , alam ko naman sa simula palang ayaw mo na sa akin at ang pangit ko" sabi niya at yumuko . Anong meron sa lalaking ito? Bakit parang kahapon inaaway at tinatakot niya pa ako ngayon gaganyan siya

"Sorry talaga daniel pero...... HAHAHAHAHAHA" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang pag angat niya ng ulo ay ay totoo ngang naging pangit siya

"HOY! BAKIT KA TUMATAWA?!" sabi nito at salubong pa ang kilay

"Ang pangit mo kasi eh HAHAHA " natatawa kong sabi . Nagulat na lamang ako  at napatigil sa kakatawa ng sinampal niya ako

Napabango ako sa kinahihigaan ko at tumingin sa paligid . Panaginip lang pala buti nalang nasa bahay ako ngayon nila Kierra , akala ko totoo ng pumangit yung pangit na yun , teka pangit naman talaga siya pangit nga tawag ko sa kaniya . Hayst nako ewan ko basta mahalaga pangit siya periodt.

"Buti nalang at panaginip lang" sabi ko sa sarili ko at nakahinga ng maluwag

"Hoy! Panaginip panaginip ka pa dyan eh rinig ko lahat ng pinagsasabi mo" nagulat ako ng magsalita ang mas matanda kong pinsan sa tabi ko

"Kanina ka pa andyan ate Kianna?" Nagulat kong sabi

WTF?!?! Huhu edi siya sumampal sakin kaya pala parang totoo , oo nga masakit buti nalang hindi ko nagantihan kundi napalayas na ako dito maldita pa naman yan , mas maldita pa sakin

"Oo at ako sumampal sayo , Daniel daniel sorry sorry ka pa dyan . Matapos kitang gisingin para kumain tatawanan mo ko at sasabihang pangit!" Nakataas ang isang kilay niyang sabi

"Pasensya na po ate nanaginip lang po ng kapangitan sorry" nakayuko kong sabi

"Sa sobrang kakaisip mo sa Daniel na yan pati ako nababadtrip . Sige na bumangon ka na at balita ko sabi ni Kierra kagabi maaga kang gisingin at may kikitain ka pa daw . Mag almusal na tayo at makagayak ka na" Ani niya at lumabas na ng kwarto . Nakahiya ako ng maluwag at ganung sermon lang ang nakuha ko . Si Ate Kianna ay nakagraduate na , mga 6 years ang tanda niya kay Kierra , single siya pero hindi interesado mas gusto niya pang ilaan buong oras niya sa libro

"Bakit ko ba kasi napapaniginipan yung pangit na yun? Tignan mo ang pangit tuloy ng gising ko " maaga kong sermon sa sarili ko

"SAAAMMMMM!!! May gwapong naghahanap sa iyo" sigaw ni Ate Kianna na siyang kinataka ko kaya dali dali ako sumilip sa bintana

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TARGETING THE BAD BOY's HEART Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon