Twelve

691 41 11
                                    

Mabigat na paghinga ni Archer ang tumapos sa mahabang katahimikan. He drove me to my next shoot location after we ate lunch in heavy silence. Hindi ko siya kinakausap dahil hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Marahil ay hindi niya rin alam ang sasabihin sa 'kin ngunit nang makita ko ang mukha niya kanina, nakapinta d'on ang takot na baka mali na naman ang masabi niya. Kaya sa tuwing parang bubuka ang bibig niya para magsalita ay kumukuyom na lamang ang kanyang panga para pigilan ang bibig.

I unbuckled my seat belt when he halted the car. Mula dito ay tanaw ko ang nagkakagulong mga staff sa di-kalayuan, hinahanda ang mga kakailanganin para sa shoot. My hand was shaky when I reached for the door. Dala ng kaba sa dibdib, kinagat ko ang ibabang labi.

"I-I'm sorry about what I said earlier. I didn't mean it. I was just..." Mariin akong napapikit. Fuck. "Just...I'm sorry."

I'm a bitch, but hey, I know how to apologize. Especially, if I know I have a fault.

Archer was stagnant beside me. He didn't say anything. I waited for his slurs to come, but it didn't. I breathed in to gather enough strength to open the door and leave him. Gusto ko sanang marinig kung tinatanggap ba niya ang sorry ko. Kasi kung hindi ay--

Magso-sorry ka ulit? And why is it suddenly important?

Umirap ako sa isip. S'yempre importante dahil--

Dahil ano nga ba? The last time I checked, Harriet, you don't care one bit about that guy.

Or didn't you really? Maybe you're secretly--

I had to stop my thought right there because it needs to take a damn fucking seat. Geez.

I walked to the bustling crowd without looking back at Archer. A familiar sting kicked my chest. Sa tuwing iniiwan ko siya noon hindi ko rin siya nililingon. Ayaw ko kasing makita niya na hindi ko naman talaga gustong umalis. At kapag nilingon ko siya, isang tingin sa kanyang mga mata, and God knows I would change my mind. That's why I always needed to be strong around him.

Patty half-ran her way to me, maganda ang ngiti dahil umabot ako bago ang call time. "Miss!"

Maliit na ngiti ang binalik ko sa kanya. Lumampas ang tingin niya sa likod ko at gan'on kabilis na nawala ang ngiti sa kanyang mukha. She looked so scared now. Creasing my brows, I looked over my shoulder to follow her gaze. Kahit ako ay natigilan nang makita si Archer na naglalakad sa direksyon namin.

I guess he'll always have that effect on people. Somehow, I found a consolation in the fact that I'm not the only person who is at his mercy.

Bakit hindi pa siya umaalis?

"Ready ko lang ang portable fan at inumin mo, Miss." Nagmamadaling paalam ni Patty, ayaw nang maabutan siya ni Archer. And I wanted to stop her, dahil lalong ayaw ko ring maiwan kay Archer. Wala akong nagawa dahil tumakbo na siya palayo bago ko pa masabing magsabay na kami.

"I'll wait for you." Archer declared in his cold voice. Ni hindi ko na siya kailangang tanungin kung bakit narito pa siya. Lumabas kaagad ang mga salitang 'yon pagkalapit niya sa 'kin.

I looked away, not wanting to be cage in those eyes again. "I thought you have a meeting?"

"I took the rest of the day off."

"Mabo-bored ka lang dito. Matagal kami."

"I don't care." Matigas at pinal ang bawat salita. Tipong hindi mo pwedeng baluktutin. Kaya tumango na lang ako bilang sagot.

Tulad ng reaksyon namin ni Patty kanina, sandaling natigil sa mga ginagawa ang mga staff nang makita si Archer. His presence really requires you to stop whatever you're doing to notice him because if you don't, it's like you're gonna miss out on something.

Bows And ArrowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon