(Author's Note: Good day everyone! I suggest you listen to the music before reading this chapter and the next ones. Pero kung tinatamad kayong manood. It's okay! :))
NATASHA GRACE'S POINT OF VIEW
Author's Note: Photo retrieved from pinterest)
"Naglalakad ako sa isang napakagandang kagubatan. Asul ang kalangitan at dilaw naman ang maliwanag na buwan. May nakita akong naglalakad na isang bata papalapit sa akin. Pula ang kanyang mga mata, at binigyan ako ng bulaklak na kulay lila. 'Sumama ka sakin,' sabi niya. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sakin para sumama sa kanya. Sinubukan kong kumawala at tumakbo palayo, kasi natakot ako. Natakot akong sumama sa kanya sa pagpasok sa isang bahay na gawa sa apoy. Hinila niya ako at sinabing, 'Natasha, ito ang katotohanan. Gumising ka na."
Pagkagising ko agad akong tumakbo papalapit sa switch tsaka ko binuksan ang ilaw. Ang bigat ng pakiramdam, hirap na hirap akong huminga kaya agad kong hinanap ang inhaler ko. "Natasha, ano na naman ba?" sabi ni Mama. Nagising kasi siya dahil sa pagtama ng ilaw sa mata niya. "Sorry Ma, ang pangit kasi nung panaginip ko." sagot ko. "Huwag ka kasi masyadong nagkakakain ng marami bago matulog. Mag-diet ka na kasi." May connection pala yun. Sinubukan ko ulit matulog pero wala pa ring nangyari.
Binuksan ko ang cellphone ko. Kinilabutan ako kasi pagbukas ko 3 AM na. Agad akong nagtatatakbo sa kama. "Tsk. Natasha, itulog mo na yan!" sabi ni Mama. Triny kong matulog kaso wala pa rin. Kaya nagbukas nalang muna ako ng social networking sites sa cellphone ko. Madaling araw na nga tapos ito pa yung mababasa ko, "Tatlong estudyante ang nawawala matapos dukutin ng mga lalaking naka-van."
Saan kaya ito? "OMG!" "Kukunin ko na yang cellphone mo kapag hindi ka tumigil." "Sorry po ma." Malapit lang ito samin a. Nako kailangan ko na talagang bumili ng pepper spray, stun gun, pocket knife, baton, at kahit na anong pwede pang-self defense. Nakakapraning naman to. Itatry ko na talagang matulog kundi kawawa ako nito sa school bukas.
"Tash, nandito na si Ais." Katok ni Mama sa kuwarto. Mas maaga kasi talagang gumigising si Mama kesa sakin kasi nagpe-prepare pa siya ng breakfast namin at nagpa-plantsa ng mga damit. Pagkatingin ko sa cellphone ko, 6:45 AM na pala. Malelate na naman ako nito. "MA! BAKIT DI MO AKO GINISING?" "Maraming beses kaya kitang ginising. Sige na, kumilos ka na diyan." "Ma, pakisabi nalang kay Ais na mauna ..." Naalala ko bigla yung tatlong estudyante na nawawala. "Ma, sabihin mo kay Ais, hintayin niya ako!"
BINABASA MO ANG
The Purple Wolf (Revised)
Werewolf(FILIPINO) Natasha Grace H. Inocencia was only 15 years old when she was turned into a wolf by her half sister. Will she accept her new identity? Cover by kingmarcda1st-