NATASHA'S POV
Dahil may exams ako next week, dito nalang ako pinatulog nila Ate Talia. Feeling ko hindi ako makakapag-aral at makakatulog ng maayos dito. Kung dito ako nakatira, baka lagi lang akong magsi-swimming dito. "Natasha, makakasama natin sa training natin ay si Elonso. Dahil siya ang pinakabatang purple wolf sa aming lahat. It would be good if you can learn from him kasi importanteng knowledgeable ka pagdating sa fundamentals at para hindi ka masyadong mapressure sa iba." Cute pala pag bata yung kasama sa ganito, hindi masyadong nakakahiya. "Para malaman natin kung anong babagay sayong klase ng training at yung pagkasunod sunod, we need to test your abilities first."
"We will first test your sense of smell by smelling the two of us, Eli and I. Tapos aalamin mo kung sino ang may ari nito." Naglabas naman bigla si Ate ng isang foot socks na kulay itim. Nung nahulaan ko na kung sino, akala ko tapos na. Pinaamoy nila sakin yung iba't ibang breed ng aso at tsaka ko huhulaan kung alin sa kanila yung ganun ang amoy ng nakapiring. Ang weird kasi nalalaman ko talaga at hindi siya ganun kahirap malaman. "Ano po yang sinusulat niyo?" tanong ko kay Ate. "Sinusulat ko yung mga naobserbahan ko sayo. Just chill and take it easy. Una palang naman." Nag-nod nalang ako sa sinabi niya.Sumunod naman na test ay sense of hearing. Kailangan ko raw marinig yung bulong nila sa isa't isa pero 2 meters ang layo sakin, lalo na at hindi daw nangyari sakin na hindi ako makatulog dahil naririnig ko lahat ng nasa paligid ko. "Medyo, hindi ganun kalakas than usual yung pandinig mo pero we'll work on that." sabi ni Ate Ais.
Sumunod naman ay sense of sight, kailangan ko daw idescribe lahat ng nakikita ko sa kuwarto ng nakapatay yung ilaw. Pagkapatay nila ng ilaw, madilim pero may mga nakikita pa rin ako. Akala ko magiging madilim lang siya, pero hindi, parang monochrome at medyo blurry ngalang din. Nung sinabi ko kay Ate Talia, normal naman daw yun. Pero kung kaya ko daw i-improve lahat, mas makakatulong daw sakin.
"Nakakatatlo na tayo. Ang susunod naman ay itetest natin ang coordination at balance mo." Parang paper dance lang yung pinagawa sakin, pero 15 seconds each paper. Nagulat ako sa sarili ko at kinaya ko. Akala ko tapos na hanggang sa kakargahin ko daw si Eli at kailangang makatalon sa sampung newspaper na finold ng anim na beses. "Natasha, dapat hindi lumagpas yung paa mo sa labas ng newspaper." Natasha kayang kaya mo ito, ngunit pagdating ko sa ikalimang newspaper medyo gumegewang na ako. At hind ko nagawa pagdating ng ikapito.
"Okay lang yan. You'll improve. Next naman itetest natin kung ano yung maximum ng kaya mong buhatin." Unang binigay sakin ay isang motorcycle, easy pa naman siya. Natakot ako nung sumunod na ipagawa sakin ay dalawang motorcycle. Tumawag din ng maga-assist si Ate kung sakaling hindi ko daw mabuhat, si Lucas. "Just breathe in deeply before you lift those" sabi ni Lucas. Tinry ko ng buhatin yung dalawang motor, isa sa bawat kamay. At medyo mahirap pero kinaya ko naman. "Natasha, next you're going to lift a 500 kg car." Napanganga nalang ako sa sinabi ni Ate Natalia. "Paano pag nagasgasan ko o masira?" "Nandito naman si Lucas at Eli, Tash." sabi ni Ate. Huminga ako ng sobrang lalim at tinry ko ng buhatin yung kotse, kaso hindi ko kinayang gawin sa loob ng 15 seconds, at nagulat ako ng biglang may malaking yelo na kumuha sa kotse. "Sabi sayo tutulungan ka nila e. Ang superpower kasi ni Eli ay ice at fire." sabi ni Ate. "WHOAH! May ganun pa?" sigaw ko. "Hindi mo pa siguro alam kung ano yung superpower mo bilang isang purple wolf pero lalabas din yan." sabi ni Ate. Grabe, na-excite na ako! Ano kaya sakin? (Author's Note: Kung napanood niyo na yung Boku No Hero Academia/My Hero Academia, maaalala niyo si Eli kay Todoroki.)
BINABASA MO ANG
The Purple Wolf (Revised)
Kurt Adam(FILIPINO) Natasha Grace H. Inocencia was only 15 years old when she was turned into a wolf by her half sister. Will she accept her new identity? Cover by kingmarcda1st-