Good sana morning ko e walang school, walang work may epal lang na ang lakas kumatok sa pinto ng kwarto ko.Tok.Tok.Tok.Tok.
"Ano?"
Sigurado naman akong si Reign yun sya lang naman ang kala mo sisirain pinto ko kung makakatok.
"Yuck ang baho. Toothbrush muna naman."
Sabay tulak sa kin papasok sa loob ng kwaroo ko. At tuluyan na rin syang pumasok sa loob at nagbukas ng tv.
"Dalian mo naman."
Hayss. Bwisit. Bakit kase andito yng tukmol na yan e.
Pagkatapos ko magtooth brush at magpalit ng damit sa cr. Kinuha ko ang remote at pinatay ang tv. Haha. Nanunuod ng basketball walang sawa.
"Ang bastos mo naman. Nanunuod ako a?"
"Pake ko TV ko yan sayang sa kuryente. Bakit ka nga pala andito?"
"Hindi nagbabasa ng twitter?"
"Hindi kita pina-follow. Loko to."
"Ay oo nga pala. Dapat tinext ko na lang pala."
Yes. Hindi namin pina-follow ang isa't isa social media. Bakit? Trip lang namin.
De joke ayaw kase namin mahalungkat pa ng mga tao yung friendship namin. Ang dami kase researcher ngayon baka pag nakita na pina-follow ko si Reign o pina-follow nya ako ma-issue pa kami. Madami kase fan girls si Reign at baka maaway pa daw ako. Wala naman kase kaming common friends baka malaman pa daw nila na mag-kapit bahay kami. Sa mga fans ko naman, okay lang siguro pero may mga shippers kaseng tinatawag dun lang siguro baka magka-issue pero kung ako tatanungin okay lang naman kung i-follow ko sya. Pero nakapag-decision na daw sya na wag na para sa privacy din namin.
Dahil sinabi nya yun na-curious tuloy ako sa tweet nya kaya chineck ko na.
@ riveroreign
Thank you Lord. Thank you everyone who greeted me. I love you all.💚
SP.
Thank you for the icing ha.😂 Panget mo pa din. Basketball tomorrow? Regalo mo na.Famous talaga to. Daming likes at rt a. Dami din replies o. They are greeting at kino-correct sya kase SP nakalagay e di ba dapat PS yung medyo bobo talaga to si friend e.
"Inistalk mo naman ako"
"Binasa ko lang latest tweet mo. Feeling to"
"Haha. Joke lang tara laro."
"Kdot. Kain muna tayo pede?"
"Oo naman. Baka pumayat ka e."
Sabay kurot nya ng pisngi ko. Gaganti sana ako e kaya lang nakatakbo na ang loko palabas ng kwarto.
Pagkatapos namin kumain dumiretso na kami sa court sa likod ng bahay nila. Half court lang sya. Simula ng maging kaibigan ko sila ni kuya Ran natuto na rin ako mag-laro ng basketball pati nga mobile at video games natuto na din ako e ginagawa akong lalake ng mga to e. Nag-pahinga naman kami bago nag-start mag-laro kase nga bagong kain kami.
"Paunahan sa 12 ang matalo manlilibre ng starbucks."
"Wag mo galingan ha. Wala akong pera."
"Grabe to. Game na nga. Manalo o matalo ka libre kita sa SB."
"Hahaha. Game on Rivero."
Nag-start na kami mag-laro. Una akin ang bola pagka-hold pa lang nya ng bola hindi na ako nag-dribble tumira na ko sa three point line hindi sya ready kaya walang depensang naganap.
"San Pedro for three. Bang" Yabang ko sa kanya. Ang shoot na yun ay equivalent sa two points lang dapat pala 'San Pedro for two. Bang'
"2-0. Hold." Seryoso si loko.
Nag-fake sya ng tira. Alam ko na yan hindi naman sya mahilig tumira ng three points mas gusto nya mag-drive sa basket. Galing yan mag-lay up e. Nag-try naman ako umagaw kaya lang syempre matangkad kase sya. Hahaha. Yun naka-shoot.
Natapos ang laro syempre ako yung talo.
12-8 ang score di ba apat lang lamang nya.
"Wag ka na mag-artista mag-varsity ka na lang ng basketball."
"Ang galing ko na ba?"
Naks. May skills na ko sa basketball tapos si Reign Rivero lang naman nakapansin. Makapag-change na kaya ng career.
"Hindi ang panget mo kase tapos para ka pang lalake kumilos pedeng-pede ka sa basketball team."
"Ay loko talaga. Wag nyo na ko yayain mag-laro a. Bwisit na to. Sana matalo kayo ng sa first game nyo."
"Ay ang bad mo bata ka. Tara na SB na tayo tapos sine na rin tayo later. Ligo ka ha."
"Ay nako. Tutulog ako. Si Keah na lang isama mo."
Yumuko si Reign at napabuntong hininga. Ay Shareena kasama yan sa mga talent mo e palungkutin ang isang Reign Rivero.
"Mag-oout of the country sya. Kala ko nga makaka-pag celebrate kami today ng birthday ko. I thought one day event lang sya kahapon so okay lang may bukas pa naman sabi ko yun pala may flight pala sya mamayang 5pm pa puntang Japan."
"Sama ka sa pag-hatid sa airport mamaya. Regaluhan mo ang sarili mo na makita sya sa personal today masyado ng malungkot aura mo nakakabwisit na. And let her see your efforts. "
Napatunghay sya sa pagkakayuko nya.
"May talino ka din namang taglay no?"
"Wala ka lang diskarte kaya hanggang MU lang kayo e."
"Baliw ka talaga. Pero thank you. I should go now. Yung libre next time na lang."
"Kdot. Doble na yun."
"Kdot."
Hahahaha. Ang bading potek.
"Thanks again my MVP."
Sabay gulo nya ng buhok ko. Grrr. Kaasar talaga yun. Tumakbo na papasok sang loko at iniwan ako.
"Rivero ang bading mo talaga. Inggit lagi sa buhok ko. Grrr." Sigaw pero mukha naman hindi ako narinig.
Hayss. Makauwi na nga ng bahay at tutulog na lang talaga ako mag-hapon.
9:36pm
on twitter.
@ shareenasanpedro
I want to be your MVP someday. Naks. 😂😙 Good night.@ riveroreign
Take Care.
I'm about to sleep when I received a text from Reign..
Rivero na Panget
Ang ganda nya kanina. Thank you talaga. 7/11 tayo? Gising ka pa. Bukas pa ilaw sa room mo.
Sobrang saya ng binatang to. Gabi na kaya tsaka hindi ba sya pagod.
Panget na San Pedro
Aantok na si ako. Tulog ka na din. Ang hyper mo na naman. Night.
Nag-reply pa sya pero hindi ko na kaya basahin antok n talaga ako.
@ riveroreign
SP. Most Valued Person
*Purely Fanfiction
BINABASA MO ANG
Our Story
FanfictionI like her. I like him. But... There is a story to tell. Our STORY.