SHAREENA'S POV
Year 2010
It was May 25, 2010, nung lumipat kami ng bahay sa Manila from Laguna. Nag-decide sina mommy na lumipat na sa Manila dahil mas practical na dito na lang kami dahil nandito ang trabaho at para na hindi na rin ako mahirapan sa byahe pag may raket.
Maganda naman yung bahay nalilipatan namin subdivision kase, ang gagara nga ng bahay e mukhang mga rich tao dito. hahaha.
"Ma, may birthday party sa kabilang bahay?"
Marami kasing tao at may mga balloons pa na decorations. Malakas din ang tugtog sa kabilang bahay.
"Oo nga anak, sayang ngayon lang tayo nakalipat. Hindi natin naibili ng regalo yung may birthday." sagot ni Mommy
Ganyan yan si Mommy kahit hindi namin masyadong kilala basta ng birthday at malapit na kapitbahay namin binibilhan nya ng regalo napaka generous nyan sa totoong buhay e.
"Sus, mommy gusto mo lang makikain e. hahaha."
"Tumigil ka ngang bata ka. Halika at ayusin mo na gamit mo sa kwarto mo."
"Wait lang mommy sisilipin ko lang kabilang bahay baka may clown e. Gusto ko makakita ng magic."
"Ikaw talagang bata. Sumunod ka na agad hindi mo pa kilala mga tao dito baka kung mapano ka dyan."
"OA mo mommy, sa kabilang bahay lang ako e."
At bago pa makahirit si mommy naglakad na ko papunta sa kabilang bahay hindi naman siguro mahahalata na birthday party crusher ako madami naman na nagdadatingan pa na bisita at isa pa sisilipin ko lang naman kung may clown. Hahaha.
Ang ganda ng bahay nila at ang daming tao. Pumasok ako at hinanap ang stage seryoso ako na titingnan ko kung may clown. Unfortunately wala. Huhuhu. Im sad. Makaalis na nga. Hmmmp. Ang sad naman ng birthdayan na ito.
"Uy si Shareena San Pedro, yung sa Batang bulilit."
"Oo nga siya ba yung guest?"
Hala. Bakit kilala ako ng mga to? Hehe.
Artista nga pala ako. Heheh. Wow naman kilala ako ng mga rich people infairness. HahahaHindi ko na nilingon yung nag-salita at dahan dahan na ko nag-lalakad palabas ng pero rinig ko na mas madami na nakakakilala sa akin, malapit na sana ako sa may labasan ng may humila sa kamay ko.
Yare. Mommy issue na naman to baka ma-headline pa ako neto.
"Shareena San Pedro, nag-gate crush sa isang birthday party." Hahahaha. Joke. Hindi naman ako sikat para ma-headline.
Hindi ko sana lilingunin kaya lang sya na mismo nag-harap sa kin sa kanya.
Mommy its a guy. Cute po sya. Joke lang bata bata pa e. Cute ka dyan.
"Kanina ka pa hinihintay ng kapatid ko Shareena. Halika ka na. Buti na ka-abot ka. Let's go."
At hila-hila nya nga po ako sa stage ng birthday party na yun.
Napansin ko na hila-hila din ng mga mukhang kaibigan nya at isang batang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ko lang, mga 12 din or 13 years old.
"He's really sad." Bulong ni kuyang hindi ko alam ang pangalan.
Nang makarating kami sa stage agad kinuha ni kuyang hindi ko kilala ang mic.
"Hey, everyone, you are right, my brother's birthday guest is none other than Shareena San Pedro."
Wow as in wow. May raket pala ako as birthday guest hindi naman ako na-inform.
"Kuya. Stop it. I don't even know her. I just want Keah." Bulong ng lalaking sa tingin ko ay may birthday sabay irap pa sa akin. Aba, bakla yata to e. Joke. Mukhang hindi naman kung yung kuya nya cute eto, wala akong masabi. Basta wala. Nang-iirap e. Hmmmp

BINABASA MO ANG
Our Story
FanfictionI like her. I like him. But... There is a story to tell. Our STORY.