CHAPTER 3: THE KIDNAPPING!

8 0 0
                                    

~RIZZA POINT OF VIEW~

Habang palabas siya ay may sumusunod na zombie sa kanya na 4 at sumunod ako at baka makain siya, nagulat ako may tatlong lalaki nang biglang isinako 

si Royce at ipinasok sa kotse, bigla naman akong tumakbo para iligtas siya pero biglang bumaril ang isa sa mga kasama nang lalaking naka maskara 

tinamaan ang 4 na zombie na sumusunod sa kanila at biglang tutok ng baril sa akin, pumikit ako at biglang ipinutok ang baril...........  habang nakapit ako ay 

wala akong maramdaman na anumang sakit, pagkadilat ko may nakahigang babaeng zombie sa harap ko at pinagmasdan, si Monica.

"Monica?" sigaw ko habang niyuyugyog ko siya "Bakit mo ginawa yon?"

Hindi na siya nakakapag salita ng mga oras na iyon.

"Monica! Sumagot ka Monica!"

Hindi na siya nagsasalita, tuluyan na nga siyang nawala.

"Monica! Hinde! Gumising ka naman oh! Bakit ba nagkakaganito ang mga nangyayari? Bakit si Monica nasama pa!?"

Sinubsob ko ang mukha ko sa tiyan niya, umiiyak. Dahil patay na nga ako, walang lumalabas na luha sa mga mata ko. Pero makikita mo sa mukha ko na 

sobrang akong nasaktan dahil ang natitira kong matalik na kaibigan, nawala na. At pagkatapos iyon tahimik akong umalis papuntang cafeteria, halos isang 

zombie ay walang natira, puro walang utak nalang ang mga natira at ako na lang nag iisang may utak na zombie. Maya maya ay naalala ko naman si Royce.

"Royce!" tumakbo ako kung saan pumunta ang kotse

Habang tumatakbo ako may nakita akong putik na nadaanan ng gulong at may mga bakas pa sa ibang daan, siguro iyon ang kotse na nanghuli kay Royce, 

sinundan ko iyon hagang sa nakita ako yung kotse.

"Hayon yung kotse." habang bumubulong at nagtatago sa mga damo

May isang lalakeng lumabas ng bahay at may hawak na shotgun, sinubukan kong lumabas ng damuhan at umarteng walang utak na zombie, pero hindi niya 

ako pinapansin, pinagpatuloy ko ang pag lalakad palapit sa bahay na iyon, nang biglang pagtingin sa akin ng lalaking may hawak na shotgun ay bigla akong 

binaril habang nanginginig, dalawang beses niya ipinutok ang baril at tinamaan ako sa kanang baywang at kanang balikat, bigla akong napahiga sa lupa, may 

biglang bumaril sa ulo ng lalaking bumaril sa akin mula sa likod ko, isang lalaking hindi ko kilala at bigla akong binuhat papalayo sa lugar na iyon.

"Ba-bakit mo ako 

Tapos hindi na siya nag salita pagkatapos na iyon at nakatulog na lang ako.

Pagkagising ko ay nakatitig siya sa akin.

"Ok ka na?" kalmado ang kanyang boses 

"Si-sino ka?" pagulat ko itong sinabi sakanya 

"Raymond." tapos bigla niyang itinapat ang kamay niya sa akin

"Sa tingin mo makikipag kamayan ako sa iyo? Umalis ka na kung hindi kakainin kita!" pagalit kong sinabi

"Pasensya na kung binigla kita, pasensya na din kung matagal na kitang pinagmamasdan." biglang tingin sa bandang kanan

"Pinagmamasdan? Sino ka ba talaga?"

A Zombie With an IntelligenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon