~ HI! BEFORE READING THIS CHAPTER PLEASE DO PLAY THE VIDEO. PARA MAS FEEL NIYO YUNG PAG BABASA. THANKYOU!! ENJOY READING!~
Kahapon nung makita kong umiyak si Ashley nang hina ako.
Bakit ako nakikinig sa mga istorya niya?
Dahil galit siya kay Belle, galit narin ako kay John.
Tutulungan ko ba siya?
Oh wag na?
Pero paano pag gumana yung offer niya?
paano kung marealize nila na kami talaga mahal nila?
i need to take chances.
nasa harap ko na.
papakawalan ko nanaman ba ulit?
__________________________________________________________
"Okay Ashley, Payag na ako"
"Seryoso ka ADS!? OMG sobrang thank you!"
"Ano ba mga plano mo?"
"Wait. may contract signing muna"
"ANO!?"
"SUMUNOD KA NA LANG PLEASE? MAY BAYAD KA DON'T WORRY"
Nag labas siya ng isang short folder.
Binuksan niya at duon ko nakita ang CONTRACT.
Kinuha ko yung contract at binasa
NAKALAGAY:
Ako si ______________ at nangangakong susunod sa mga rules and regulations sa contrata na ginawa ni Ashley Mae Diaz.
Susundin ko ang mga sumusunod.
1.Gagawin lahat ng pinapagawa ni Ashley.
2. Pupunta sa mga meetings namin.
3. Sasama sa mga lakad namin.
4. Hindi mag iinarte.
5. Bawal mag sabihan ng personal na bagay tungkol sa buhay ng isa't - isa.
6. Magkasama tuwing break.
7. Pag uwian na back to reality.
Lastly
8. Bawal ma in love sa isa't - isa.
Ang unang ma in love sa isa"t isa ay kailangan mag bayad ng 10,000.
I hearby to follow this rule in the next 6 months.
"WAIT! ANONG 6 MONTHS?!"
"Akala ko game ka?"
"OO! PERO 6 MONTHS TAYONG MAG PAPANGGAP?! OKAY KA LANG?"
"Ads buti nga hindi bilang boyfriend dba? hindi naman mahirap eh."
Nakita ko ang kalungkutan sa mga mata niya.
"Ads. maawa ka naman saakin. kung alam mo lang"
"ASHLEY! iniwan narin ako. alam ko yung ---"
"atleast minahal ka niya ads. atleast nakasama mo siya nang walang boundery. ng walang limitations. pero ako? nakakasama ko ba siya lagi? nasasabihan ko ba siya ng I LOVE YOU? nahahawakan ko ba ang mga kamay niya in public? nakakapag celebrate ba kami ng monthsarry? nahalikan ko na ba siya? oo nayakap ko na pero bumitaw siya agad. oo naiiyakan ko siya pero kinabukasan kinakalimutan na niya ang problema ko. Ako lang ang naging best friend sa kanya. Lagi ako naandyan pag kailangan niya n kasama. Lagi ako naandyan tuwing sasabihin niya saakin na sana sila nalang ni BELLE! masakit yun Ads! masakit na nag mamahal ka ng palihim na hindi mo magawang sabihin ang nararamdaman mo."
hindi ako nakapag salita.
lahat ng hindi niya nagagawa kay john ay nagagawa namin ni Belle
masakit nga naman na mag mahal ng palihim
kaya kinuha kung yung papel dahil umiiyak na siya
sinulatan ko at inabot sa kanya.
tumigil siya sa kakaiyak at tumayo ako
"Mauna na ako. Bukas nalang tayo mag simula"
Kaso na isip ko
bakit siya lalapit saakin ng ganito?
bakit niya kailangan ang tulong ko?
bakit siya iiyak sa harap ko at mag mamakaawa?
ano ba ang nagawa sa kanya ni John at gusto niya mag higanti?
Dahil kung mag best friends parin sila hanggang ngayon.
hindi siya gagawa ng paraan para mag break sila.
pakiramdam ko may galit tong si Ashley.
May galit kay John.
BINABASA MO ANG
MY SUBSTITUTE BEST FRIEND
Teen FictionAno ba ang "FRIENDZONE" ? Eto ba yung friend lang ang turing niya sayo pero MAHAL mo na siya? Paano kung ang pagiging "BEST FRIENDS" niyo ay isang KONTRATA lamang? Naka sulat sa isang papel at may signature niyong pareho. May rules na dapat s...