Imbis na umalis
nag stay ako
para alamin ang nangyari sa kanila ni John
"Oh. salamat ah, pero bakit ka bumalik?"
"Bakit mo gustong mag higanti? hindi ka lalapit ng ganito at mag mamakaawa kung walang dahilan"
"Diba naka lagay sa contrata---"
"Bukas pa tayo mag sisimula hindi ba?"
Pinunasan niya ang kanyang luha at humarap saakin.
"Matagal ko nang alam na may namamagitan kay Belle at Jonh. Kilala narin kita bilang boyfriend ni Belle. Classmate kita sa ibang subject kahit IT ang course mo. Tuwing makikita kita na kasama si Belle at masaya, nasasaktan ako tuwing maiisip ko na sinasaktan ka lang niya. Madaming beses kong sinubukang sabihin sayo kaso nag makaawa saakin si John at alam kong hindi ka maniniwala saakin. Gusto kong sabihin sayo dahil gusto ko mawala si Belle sa buhay ni John."
"Nang malaman kong may sex scandal sila. Nalungkot ako at hinarap si Belle"
(Flash back)
May boyfriend ka tapos lumalandi ka sa iba?
Wag kang makielam dito.
Best friend ako ni John! may karapatan akong makielam!
Wag kang illusyonada! ikaw lang ang tumuturing kay John ng "Best Friend" para kay John ginagamit ka lang niya para malaman mga galaw ni Adrian. dahil halos sa lahat ng subject mag classmate kayo. Para ay time kami lumandi!
(Reality)
"Nasampal ko siya Ads. sorry pero hindi ko napigilan. totoo nga na gunagamit nila ako para malaman kung asan ka. kaya pala tuwing class natin parati ang text niya kung asan ka at kung palabas ka na."
"Isang beses na nalowbat ako at hindi ko siya ma text, grabe ang galit niya. muntik na daw kasi sila mahuli. nung una hindi ko pa naintindihan na spy lang ako, tinaggap ko na baka na stress lang siya."
"Nung nalaman niya sinampal ko si Belle. Nagalit siya. Sa sobrang galit niya hinawakan niya ang braso ko ng napaka higpit at pinag mumura at sinisigawan ako. Hindi ko na natiis at sinabi ko na yung totoo. totoo na mahal ko siya"
(flashback)
Nagawa ko yung kasi mahal na mahal kita John! ayokong nasasaktan ka dahil alam ko ang feeling pag nag mamahal ka ng palihim John! mahal kita!
Kaso hindi kita mahal Ashley! ang mahal ko si Belle. Ilang beses ko bang itatatak diyan sa utak mo na ginamit lang kita! ginamit lang kita!
kaya ko ibigay lahat John! Ako lang piliin mo parang awa mo na please? mahal na mahal kita John!
Wag ka nang mag papakita saakin Ash. Ayaw ni Belle na magkasama tayo.
Kaya mo kong itaboy John? pagkatapos ng lahat?
Wala na kaming kailangan sayo Ash. Kame na ni Belle. Malaya na kame. Palayain mo na sarili mo.
Hindi na kita kailangan.
(Reality)
"Sobrang galit ko, binalak kong i kalat yung video, binalak kong siraan sila at gawing blind item. kaso nakita kitang suntukin si John at umiyak ng parang tanga sa harap ni Belle. Naawa ako. Alam kong mahal na mahal mo si Belle. kayo ang campus sweetheart. kaya sobrang laki ng impact sayo nang malaman ng mga tao na break na kayo at ikaw ang may kasalanan. Nakita narin kitang umiyak sa abandoned gym at nagwawala. gusto kitang damayan dahil pareho tayong nasaktan. kaso alam kong hindi mo ko kilala."
"Hindi ako naniniwala sa tadhana, ikaw ang pinili ko para tulungan ako sa mga plano ko dahil alam kong matutulungan kita. alam kong kailangan mo to kahit hindi mo pa nakikita ang mga possibilities. Pero Ads hindi ka nag iisa. Andito ako. Tutulungan kita."
Matagal na pala ako niloloko ni Belle.
Sabi niya last month lang pero last sem ko pa classmate si Ash sa halos lahat ng subjects ko.
Matagal na pala niya akong niloloko.
Naiiyak ako.
Gusto ko sumigaw.
Gusto ko mag wala.
Tumingin ako sa mata ni Ash
Nakita niya ang lungkot at galit sa mga mata ko
Tumabi siya saakin at niyakap ako.
"Adrian. sige lang ilabas mo lang. andito lang ako pag kailangan mo ko. Hindi kita basta basta iiwanan. kasama mo ko. kaya natin to. wag ka mag alala."
Hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla nalang lumabas ang luha ko.
I FEEL SAFE.
BINABASA MO ANG
MY SUBSTITUTE BEST FRIEND
Teen FictionAno ba ang "FRIENDZONE" ? Eto ba yung friend lang ang turing niya sayo pero MAHAL mo na siya? Paano kung ang pagiging "BEST FRIENDS" niyo ay isang KONTRATA lamang? Naka sulat sa isang papel at may signature niyong pareho. May rules na dapat s...