[19]

4.7K 120 6
                                    

Chapter 19: The History

Shin's P. O. V

Matapos ang inkwentro ng mga Diyos at Diyosa ay agad kong namulat ang aking mata at damn. Di ko gustong pagusapan ang nangyari...

EH SA DI KO MAPIGILANG KILIGIN EH!! SEKRET NALANG YUN!! TAPOS ITANONG NIYO KAT AUTHOR KONG ANONG NANGYARI! DI KO KAYANG MAGSALITA!!
------------------------
Agad akong pumunta sa Library kahit madilim na. Yung mga royalties? Andun sa dorm, natutulog na. Anong oras na? 10 PM na. Kaya lang naman ako pumunta dito kasi gusto kong malaman ang tunay na pagkatao ko.

Pag gising ko kasi nahalikan niya ako.. KKYYAAHHH FIRST KISS KO YUN!!

Author, wag mong iflashback sa readers ha? Tutuksuhin lang ako nila... *kinilig*

So ayun nga, wala ng tao sa library. Open kasi ang library 24/7. Kaya pweedeng pumasok.

Pumunta akong History section at hinanap yung sinabi sakin ni Hilda. Kaya pala wala siya palagi dahil siya ang Head ng mga Diyos at Diyosa. Wiw.. ang Fairy ko ay isang Diyosa ng mga Diyos at Diyosa. Gets nyo?

"Ayan, nakita ko na..." 

Agad kong kinuha yun at patagong pumunta sa isa sa mga lamesa.

Ng maka upo ako, agad na bumukas ang libro ng nailapag ko ito. Ang luma na nga. Pero maganda yung design niya.

Inilipat ko ang pahina at hininto ito sa history ng Phantomiun.

"Ang Kasaysayan ng Phantomiun" pagbasa ko sa tittle. Uhhmm nakaka interesting talaga.

•Ang Mundo ng Phantomiun ay binubuo ng sampung kaharian. Ang Land, Lightinus, Techea, Airus, Siren, Firie, Icetogeas, Darkenos, Hollow at ang huli ang Phantom. Sa kahariang yun ay may mababait na mga Reyna't Hari na namumuno. Isa na dito ang Reynang si Elaynie Twilight at Haring Mark Elm Twilight. Ang makapangyarihang mga Elementians na namumuno sa buong Phantomiun. 

•Lahat ng mga Elementians at ibang Hari't Reyna ay nirerespeto nila. Sapagkat, sila ay ang mga taong nagligtas sa kanila sa kapamahakan ng sumapit ang Bloody Cresent Meteoro Shower. Isang Meteor Shower na nakaka abu ng isang Elementian. Kilala rin sila sa pagtayo ng Academia na pinangalanan nilang Twilight Academy na ngayon ay isang Phantom Academy.

So.. twilight pala ang tawag noon sa Academing ito... bakit kaya pinalitan? 

• Ang bawat kaharian ay may Ranggo. Ang tatlong Kaharian na pasok sa ika tatlong mataas na Ranggo.

3. Darkenos Kingdom- na ang namumuno ay ang Reynang si Drina knight at ang Haring si Nicholas Knight. Ang anak na si Prinsipe Ciel Ives Knight at ang bunsong si Prinsesa Kuzumi Nicochette Knight.

2. Hollow Kingdom- Pinanumunuan ni Haring Leonidas Ibaracus at ang anak na si Prinsipe Lewis Tyrone Ibaracus.

1. Phantom Kingdom- Ang centro sa lahat ng mga Kaharian ng buong Phantomiun. Pinangungunahan ni Haring Mark Elm Twilight at ni Reynang si Elaynie Twilight. Ang nag iisang anak na si Prinsesa Cassandra Faye Shin Twilight.

B-bakit kamukha ko ang nasa picture? The ang mata niya... parang mata ko lang pero hindi ito gaya ng sa akin. Instead kulay lila ang nasa kanya. yung buhok nga lang at ang kulay nito. 

Tinignan ko ang baba nito at nakitang si Queen Elaynie ito. Kamukhang kamukha ko siya. Tinignan ko naman ang lalaking seryosong seryoso na may pulang mata. Tinignan ko ulit ang baba at nakitang si Haring Mark Elm pala ito. Napa tingin ako sa batang dala ni Reynang Elaynie at napa singhap. A-ako ba to? B-bakit parehas kami ng mata? Yung ilong... yung lips... face shape... 

Ako ba talaga si Prinsesa Cassandra Twilight?

Phantomenous Academy: The Long Lost Princess of Phantom Kingdom (COMPLETED)Where stories live. Discover now