10-Jeep

0 0 0
                                    

IKASAMPUNG KABANATA

  Mimis POV

Solo flight ako habang nginunguya ang paborito kong chicken sandwich sa dining area.

  Maagang umalis sina Mam at Dad papuntang office.Only child lang ako eh.Kaya eto mag-isa ako,which is okay for me.

  "Miss Mime ere na po ang inyong dyaryo"nginitian ko si manang

  "Thank you po manang"

  Pagkatangap ko nung dyaryo,mabilis kong binulatlat dun sa favorite part ko.

  The L0v3 3xp3rt

  ->love expert,
    Isa po ko sa mga masugid niyong tagasubaybay.At nagkalakas loob na ding magkuento ng aking buhay puso.
    Nagmahal po ako noon ng isang lalaki at talagang minahal ko sya ng sobra-sobra.Pero sobra din akong nasaktan nung lokohin nya ko.
    Nung maghiwalay po kami,nakita ko po ulit ung crush ko nung high school.Then inamin niya sakin na gusto niya kong ligawin.
    All throughout highschool gusto niya daw sabihin un.Kaya lang nahihiya sya hanggang sa nawalan na sya ng pagkakataon pa.
   Honestly love expert...nahihirapan ako.Gusto ko munang magheal ung wound ko,pero iba din ung feelings ko sa kanya.
    I dont want to hurt him dahil baka I just badly need a shoulder to cry on.Ayokong ng magkamali.Please advice me
   Confuse Heart

  Hmm..hirap nun ah?naiintindihan ko si ate at nakakatuwa kasi very wise sya sa larangan ng puso

   Lov3 3xp3rt,
  ->»Ang tunay na lalaki ay parang inang pusa naghihintay hanggang makabangon ang bagong silang na anak saka didilaan«
  Kung mahal ka niya maghihintay sya na maghilom ka.Perrrooo....
   »Ang pag-ibig ay parang isang kanta...Hindi mo malalaman kung angkop sayo kung hindi mo susubukang kantahin«
   Hindi puedeng puro takot,subukan mo.Malay mo sya na nga ang the one.Pero kung hindi ka nya mahintay its a big NO!
  Thank you and godbless

  Galing talaga ni Love Expert,ang dami-dami nyang alam pagdating sa pag-ibig.

  Amo kaya gender ni Love Expert hmm..single kaya sya or married na?  ilang taon na kaya sya.

  Feeling ko lalaki sya na happily married at nasa age 40-50 na hehe.

  Napatingin ako sa relos ko 7:45 na.Hala!malelate na ko,kinuha ko ung phone ko sa ibabaw ng table.
 

  Ay wait!!Post muna...ayos ng braided hair ko,peace sign...sabay click tapos update.

    Syempre selfie mood muna bago pumasok.Pinulot ko na ung mga books ko,mas type kong lagi silang hawak,kunti lang din kasi ung kayang iaccomodate ng knapsack ko.

  "Manang,aalis na po ako!"diretso na ko palabas ng bahay.Its jeepney day!!haha..

  Pag maaga sila mom at dad sa work,jeepney ang sinasakyan ko papasok.Pero sikret lang natin yan ha...sigurado kasing hindi papayag yung sina mom at dad na nagjeep ako.

  Pero syempre lakad muna ko palabas ng villa,mga dalawang kanto lang naman ang lalakarin ko.At isa pa exercise din yun.

  Vincents POV

  Sobrang aga pa pero naisipan ko ng magdrive around the villa.

  Napansin ko ung girl na naglalakad na nakabraid ang hair wearing a long sleeve polo na loose sa katawan niya at. paldang hanggang above the knee na kulay navy blue.And is that a rubber shoes?

  She looks so familiar at mukhang kaeskuwela ko din because of the uniform,ng medyo malapit na ko sa kanya ay binagalan ko ang andar ng kotse.

  Sya nga!haha

  Tuluyan ko ng hininto ang kotse.at Binaba ko ung windshield.

  "Hi there Nips!"

  Mimis POV

  "Hi there Nips!"mabilis akong napalingon sa gilid ko.

  Kinusot ko pa ung mata ko kung tama ba ung nakikta ko.Pero ng hindi sya mawala sa vision ko..Ayiiii!!!sya nga!!

  Oh god ang bait mo talaga!!

  Nginitian ko sya,ung the best smile ko na talaga at ngumiti din sya sakin.

  Parang biglang nagliwanag ang lahat sa paligid namin sa simpleng ngiti lang.

  "Why are you walking?.Wala ka bang kasama?"

  "Ahm anu kasi eh?..."

  Kakahiya naman toh!bakit ba lagi akong nalalagay sa mga ganitong sitwasyon.

  Baka isipin nya naghihirap na kami pag sinabi kong magdyidyip ako tapos isusumbong niya ko kina mommy at daddy.

  Tinitigan ko si Vincent,mukha namang hindi sya sumbungero.

  "Sikret lang natin to ha?"lumapit ako ng unti sa nakahinto niyang car

  "Magdyidyip kasi ako"bulong na bulong ang ginawa ko nyan.

  Kunot-noo lang sya sakin.Hindi nya ba alam kung ano ang dyip?

  "Bakit ka naman magdyidyip?"

  "Ahm wala lang hehe..."

  "Wala bang maghahatid sayo?Gusto mo sumabay ka na sa akin"tinitigan ko sya

  "Seryoso?!"tumango lang sya sakin.

  This is my lucky day!!hehe

  Mabilis kong binuksan ung passenger side.

  "No,dito ka..magmumukha naman akong driver nyan."

  ay!oo nga naman lumipat ako sa tabi ng drivers seat.

  Being near your crush ahahaha heaven!!

noneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon