IKALABINGTATLONG KABANATA
Mimis POV
Inilipat ko ang pahina ng librong binabasa ko.
Dito ko ngayon sa labas ng greenhouse,nakaupo sa isa sa mga metal chair na napaglumaan na ng panahon.
Ito ang favorite spot ko sa school,kasi dito tahimik.
Nagtataka siguro kayo bat ako andito nuh?hehe hulaan niyo....
Tama!! cutting class ako...nalimutan ko kasi ung project ko sa History.
Last day pa mandin ng pasahan ngaun.Kaya after lunch break hindi muna ko bumalik sa klase.
Masungit kasi ung teacher namin sa History..bukod duon
mukhang may pinagkakaabalahan si Vincent kaya ayun...hindi niya ko pinapansin.
Ewan ko??pero para kong tinutusok ng sanlaksang kutsilyo sa puso ko.
Hayy yaan muna nga.
Kaya eto tamang basa lang,intense na ung part ng binabasa ko eh.
Anung binabasa ko?hehe syempre sci-fi novels hehe paborito ko.
'The Clockwork Princess the 3rd book' yan ang pinagkakaabalahan ko.
Oh shit!!!huhuhu mamamatay na si Jem.
Panu na si Tessa??panu na ung bestfriend niyang si Will?
Pero at least puede ng mahalin ni Tessa si Will...wala ng masasaktan.
Pero kahit na...ang baet kaya ni Jem.
"Bzng-bz ha?"
"AY BUTIKING KALABAW!!!"nabitawan ko ang libro at bumagsak sa sahig.
Pag-angat ko ng ulo nakita ko si Vincent,pinulot niya yung libro ko at tiningnan ang cover...saka ibinalik sakin.
"Mahilig ka din pala magbasa?"nakangiti sya sakin.
*tsug-tsug!tsug-tsug!*
Ayan na naman tong puso ko!
Ngumiti na lang din ako kahit parang laging may naghahabulan sa dibdib ko.
"Ah eh o--oo"nauutal na ko...anu ba naman yan.
"Puede bang makiupo?"
Tiningnan ko yung free space sa tabi ko.
Madumi ung side na yun kasi hindi ko na dun ganung pinagpagan.
"Wait lang!!"
Mabilis kong nilabas ung panyo ko sabay pagpag sa upuan.
Pero parang hindi pa din sapat,ang linis-linis kya nya tingnan.
Pagtingin ko parang aliw na aliw sya sa ginagawa ko.
Kakahiya!!
"its okay..hindi naman ako mamamatay sa simpleng dumi."
"Eh kasi?parang hindi bagay sayo ang maupo sa madudumi"
"Kung nasaan ka,andun ako"
Tiningnan ko sya...naupo na sya sa tabi ko.
Naging bingi na ata ako.Kung ano-ano na ang naririnig ko.
"Bakit ka nga pala andito at wala sa klase?"
Tingin ako sa libro ko at nilaro-laro ko ung mga pahina.
Sasabihin ko ba?..'A proper lady should not cut class'
Naku yari ako kay mommy nito!!
"Cutting class ka nuh?"
Pagtingin ko nakatawa sya,kunot-noo ako.
Ok lang sa kanya??
"H--hindi mo ko isusumbong?"
"Bakit naman kita isusumbong?eh di parehas tayong napagalitan"
"Cutting classes ka din?!"
"Napansin ko kasing wala ka..kaya hinanap kita"
Nanlaki ang mata ko!yari na ko!!
Tumingin sya sakin at natawa
"haha dont worry...Umalis ako bago pa dumating si Mam"
Napabuga ko ng hangin sa sinabi niya.Naku buti na lang.
"Eh?bakit mo ba ko hinahanap?"
"Wala lang,namimiss lang kita"
Napalingon agad ako sa kanya,with matching big eyes pa.
Ako??namimiss niya??Wahhh!!!!
