Ang Pagkatalo

18 1 0
                                    

Wala pang lunch break ay tumakas na ang barkada ni Edelfonso. Pumunta sila sa isang Internet Café, upang maglaro ng Defense of The Ancients o DoTA. Malapit lang ito sa kanilang paaralan, kaya madali rin silang makaabot pabalik roon. 

"Ang hina mo na naman, Del! Dalian mo nga! Malapit na nila masira ang tower natin. Tatlong tower na ang nasira nila o!" sabi ni Ton. 

"Sorry, p'reko. Medyo lag kase 'tong- Patay! Naubusan ako ng time. Kuya, pa-utang nga ng limang piso. Mamaya ko na lang bayaran pagkatapos ng lunch break namin." dali-dali itong sinabi ni Edelfonso. 

Nakipag-pustahan rin sila ng isang-daang piso sa isang grupo ng mga tambay, kaya kailangan talaga nilang matalo sila o ubos ang baon nila. Sa hindi inaasahang pagkakataon, natalo sila. Matagal na rin kasing naglalaro ng DoTA ang kanilang kalaban.  

"Ano ba 'yan? Best player, pero ang bagal kumilos. Ayoko na nga sayo! Ang pangit mong ka-team. 'Yan tuloy wala na akong panlaro mamaya." init na init na pagkasbi ng isang kabarkada ni Edelfonso. 

"Oo nga!" sabay ng iba. 

Ngunit, may isang kaibigan niya na sobrang na-inis sa pagkatalo. Inuna na nga niya ang laro sa kanilang pagkakaibigan. Ito ay si Antonio o "ton".Tinulak niya si Edelfonso sa balikat at sinabi niya na wala siyang kwenta at dahil sa kanya, mapapagalitan siya ng kanyang inay dahil naubos nanaman ang kanyang baon. 

"Kasalanan ko bang wala nang natira sa baon mo? Eh, ba't naman din kasing pumayag ka sa pustahan? May malaki na man ding posibilidad na matalo tayo at saka alam mo na din palang mapapagalitan ka kapag naubos ang pero mo." depensa ni Edelfonso. 

"Eh, bakit? Kasalanan ko ns din bang mabagal at bobo ka?" saway ni Ton. 

Naubos na ang pasensya ni Edelfonso, kaya sinuntok niya si Ton sa tiyan. Dinidepensahan rin ni Ton ang kanyang sarili, kaya binalik niya ang suntok ni Edelfonso. Nagkaroon ng malaking awayan sa dalawa. Mabuti na lang at napansin ng bantay sa Internet Café sila kaya na napigilan rin ang dalawa. 

"Ano bang nangyayari dito? Ba't kayo nagsuntukan?" tanong ng bantay. 

"Ito kasing si Ton eh! Tinawag akong walang kwenta 'tsaka bobo." sagot ni Edelfonso. 

"Totoo na man! Aminin mo na kasi, ikaw ang dahilan kung bakit natalo kami. Bobo!" galit na pagkasabi ni Ton. 

"Bobo! Bobo! Bobo!" paulit-ulit na saway ng iba. 

Sinubukan ni Edelfonso na makalayo sa mahigpit na kapit ng bantay, upang sumugod kay Ton, pero hindi niya kaya. 

"Tignan niyo nga! Hindi nga niya kayang makalayo sa kanya! Bobo na nga, mahina pa!" saway ni Ton. 

"Magsitikil na nga kayong dalawa! Kung hindi, hindi ko na talaga kayong papasukin ulit dito." sabi ng bantay. " At saka, tatawagin ko rin ang mga nanay ninyo." Dagdag ng binatilyo. 

Nagsitakbuhan ang ibang mga bata, maliban nina Ton at Edelfonso, dahil mahigpit ang kapit ng bantay sa dalawang bata. Kapitbahay lang ng bantay ang mga nanay nila, kaya hindi masyadong mahirap ang pagtawag sa kanila. Dumating sina manang Hesusa at manang Lorina. 

"Ano nanaman bang kalokohan ang ginawa mo ton? Una, mabababang marka. Ngayon, suntukan at pagbubulakbol! Ano kaya ang masasabi ng tatay mo na nagbabalat ng buto sa Saudi, upang makakpag-aral at may baon ka?" Galit na sinabi ni manang Hesusa.  

Sinubukan ni Ton na idipensa ang sarili niya at ituro na si Edelfonso ang nagpasimuno sa lahat, ngunit sinampal siya ng kanyang ina. Ikinaladkad siya ng kanyang nanay palayo sa Internet Café at papunta sa kanilang tahanan. 

Sa kabilang banda, nakatanggap din nang mataas na sermon si Edelfonso galing sa kanyang ina. 

"Naku anak, ano na bang nangyayari sayo? Matataas na man ang mga marka mo noon at palagi ka pang nangunguna sa klase. Ano ba kasi iyang ikinababaliwan mo? Iyan ba ay ang palagi kong naririnig galing sa mga kabataan ngayon na DoTA? Ano ba kasi iyan?" tanong ni manang Lorina. 

"Wala po, 'nay. Laro lang po 'yun." kalmadong sinabi ni Edelfonso. 

"Hay naku! Masmabuti pang tigilan mo muna iyan at buksan mo ang iyong mga kwaderno at aklat. Wala ka namang makukuha, kun'di away at suntukan diyan." sermon ng kanyang ina. 

"Makakuha na man din po ako ng pera sa paglalaro lamang nito nay. Makaktulong na din po iyon sa mga gastusin sa bahay." hikayat ni Edelfonso. 

"Anak, bata ka pa. Sa edad mong ito, ang dapat mong inaabala ay ang pag-eskwela. Pagkatapos mo naman, saka ka nang mag-hanap ng trabaho, upang magkapera." payo ng kanyang ina. 

"Ayaw mo pa niyan, nay? Masmaaga akong magkapera!" tuwa-tuwang sinabi ni Edelfonso. 

"Hindi ba, sinabi ko na sayo na ang dapat inaabala mo sa ngayon ay ang pag-eskwela? Ang paghahanap ng kita ay trabaho naming ng itay mo bilang mga magulang." sagot ni manang Lorina. 

(to be continued...)

LaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon