Continuation:
Pam's POV
Kasalukuyang nakaluhod padin ako sa harap ni Raf ngayon. Hawak hawak ang red box na dala ko. At ang tarpaulin sa likod ko na nagtatanong sakanya. Tanging sagot niya nalang ang inaantay ko sa ngayon. Tanging ang sagot nalang sa lahat ng paghihirap at efforts kong ginawa para sakanya. Tanging yun nalang. At alam ko namang naappreciate niya ang lahat ng iyon. At umaasang maganda ang kahihinatnan ng lahat ng ito.
"Hey stop this mess now!" Bulong niya sakin. Pero hindi ko inintindi yun.
"Would you be my Boyfriend Raf?" ulit ko.
"Hey! Can't you see?! Napapahiya ka na! Stop this!" sambit niya.
"Wala akong pakialam sa kanila Raf. Sayo lang. Sayo."
"Pwes ako meron! Kung gusto mo pala mapahiya wag ka mandamay! At ilang beses ko bang kelangang sabihin sayo na ayoko! Na ayoko nga sayo! Kaya pwede ba? Tigilan mo nako! I don't even like you from the start! Tsaka may g-girlfriend nadin ako. Magwa-one year nadin kami. And I don'twant it to ruin just because of your stupid things. So please! Tiligilan mo nako. Tigilan mo nako Pam." He said and leave.
Ako? Naiwan akong nakanganga dito. He leave like nothing happens. He leave me here in the middle of this soccer field. In the middle of being hopeless. After all these efforts? After all the sacrifices? After all the things I fight for? Eto lang mapapala ko? Eto at eto padin? Nakakaiyak na :'( Fvck.
Tumayo nako. Naiyak nako. Tumingin ako sa paligid. Sa buong soccer field. Sa crowd. Tinignan ko sila. Lahat sila nakatingin din sakin. Nagbubulungan. Siguro iniisip nila na kawawa ako. Na ang cheap ko. Kase ako pa ang nanligaw sa lalaki. Oo. Ngayon ko lang naisip at narealize ang lahat ng katangahang ginawa ko. Ngayon lang. Dapat pala sinunod ko na ang mga kaibigan ko una palang. Edi sana hindi humantong saganto. Sabi nga nila, Nasa huli ang pagsisisi.
Tumakbo nako, Tumakbo sa kahihiyang napala ko sahil sa pagkukunsinti sa puso ko. Kasabay ng pagtakbo ko ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko na kasi mapigilan pa. Naghanap ako ng lugar kung san pwedeng umiyak. Kung san pwedeng makasigaw. Kung san pwedeng mapagisa. Kung san pwedeng makaiwas sa mga bulungan at tingin nila. Kung san pansamantalang makakalayo kay Raf.
Nakarating ako dito sa isa pang malaking field. Umupo sa damuhan. At nagsimulang maglabas ng sama ng loob.
![](https://img.wattpad.com/cover/20392521-288-k756120.jpg)