Huli Na

1 0 0
                                    

Ilang taon ang lumipas,
Subalit ang mga alala ay wala pa rin kupas.
Mga salitang matagal na pinanghawakan.
Ngunit ikaw pala ay hindi na magiging akin kailanman.
Gaano kasakit isipin?
Ikaw ay hindi na magiging akin.
Ikaw ay hindi na maaring mamahalin,
At ako ay iyong hindi na rin iibigin.

Ilang gabi ba ang nagdaan sa pagsisisi?
Lungkot ng bawat sandali habang ikaw ay aking tinatangi.
Ilang araw ba ang lumipas?
Para sa pusong nagpupumiglas.
Ilang linggo ba dapat ilaan?
Para sa pusong bumabalik sa nakaraan.
Ilang oras ba ang aking ibibigay?
Sa taong ako ay tinuring na isang patay.
Ilang segundo ba?
Para aking naman masabi na ikaw ay mahal pa.

Patawad aking mahal,
Sa mga sandali na ako'y nagkulang.
Sa mga sandali na ako'y napanghinaan.
Sa mga sandali na ikaw ay aking nasaktan.
Sa mga sandali na ikaw ay aking sinukuan,
At hinayaan kang maiwan na luhaan.

Huli na para sambitin pa,
Ang mga salita na dapat sana ay dati mo nalaman.
Huli na para yakapin ka,
At ipadama na ikaw at ikaw pa rin.
Huli na para mahalin ka,
Dahil ako na lamang ay iyong nakaraan.










Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Huli naTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon