Chapter One - A Dream Come True

95 3 0
                                    

Meet Theo Herrero, isang baguhang Secret Agent sa Anatomica Agency. Sa lahat ng Agent sa quarters nila, sya ang pinaka laging pinagkakaguluhan ng mga kapwa nya Agent na mga babae. Merong 6 packs, gwapo, matangkad,maputi at matalino si Theo kaya kumbaga, sya ang ideal man ng bawat babaeng nasa quarters nila.

Name: Theo Herrero (Agent 1328)

Code Name: Hunkpuncher

Rank: Trainee Agent 

Samantala,ang Anatomica Agency ay isa sa mga kilalang agency sa buong Mundo. Marami na itong branch ng quarters at nagkalat ito sa iba't ibang panig ng Mundo. Mula pa sa iba't ibang panig ng mundo ang mga Secret Agent na mga nagtuturo dito. At syempre meron din tayo dito sa pilipinas at isa sa mga beteranong pilipinong Secret Agent  dito ay si Senior Agent Pascacho o mas kilala sa tawag na Snr. Agent P. 

Ngayong araw mag didiscuss si Snr. Agent P. upang bigyan ng paalala sa nalalapit na pagsusulit ang mga baguhang agent upang isalang sa mga bagong task. 

-------------------------------------------------------------------------

"Ngayon kayong mga bagong agent, susubukin ang inyong katatagan, lakas at talas ng isip dito sa ibibigay namin sa inyo na obstacles exam upang mahasa at lalo nyong mapagtagumpayan ang mga task na ibibigay nmin sa inyo. Ang sino mang makakuha ng pinakamataas na marka at mapagtagumpayan ito ng walang sabit, ang syang bibigyan ng Special Task. Oh sige mag umpisa na kayo!" Sabi ni Snr. Agent P. habang naka pa ma-ewang.

"Nako mukhang mahirap-hirap ito ahh, kailangan kong galingan para sa tatay ko." Malungkot na sabi ni Theo sa sarili nya.

Walong taong gulang palang si Theo ay namatay na ang kanyang tatay dahil sa sakit na cancer pero tandang tanda nya parin ang mga gustong matupad ng tatay nya para sa kanya.

"Gusto ko anak paglaki mo maging katulad mo ko, sana maging mahusay na Agent karin tulad ng tatay." Umiiyak na sabi ng tatay ni Theo habang nakahiga at naghihintay nalang ng kamatayan. 

"Opo tay, paglaki ko magiging mahusay akong Agent at sana pagdating ng panahon na yon' maipagmalaki nyo rin ako tay!" Umiiyak din na sabi ni Theo sa kanyang tatay.

"Lagi kitang ipagmamalaki anak dahil ikaw ang anak ko at mahal kita tandaan mo lagi yan." Pagkatapos non ay binawian na ng buhay ang kanyang tatay.

"Mahal din kita tay pangako ko po tutupadin ko po ang mga pangarap natin." Umiiyak na sabi ni theo habang pinagmamasdan ang kanyang nasawing tatay.

Simula nung nag Flashback ulit kay Theo ang nangyaring iyon, mas lalo nyang ginalingan at sya na mang napansin ni Snr. Agent P.

"Kahanga hanga ang batang iyon baguhan palang eh mukhang may maipapamalas nang galing sa hinaharap." Natutuwang sabi ni Snr. Agent P.

Pagkatapos ng pagsusulit ay Ina-nounce na ang nakakuha ng mataas na marka.

"Ang nakakuha ng mataas na marka at nagpamalas ng kakaibang galing ay walang iba kundi si Theo Herrero." Sabi ni Snr. Agent P.

"A-ako??" Nagtataka at natutuwang sabi ni Theo sa sarili.

Sabagay apat na taong gulang palang ay sinanay na sya ng kanyang tatay na dati ding agent sa mga obstacles na pinagagawa sa kanya ng kanyang tatay kaya medyo may karanasan narin sya.   Nagpalakpakan ang mga kapwa nya Agent.

"Congratulations iho, magaling ang naipamalas mo kanina halika sumunod ka at may importante tayong pag uusapan kasama ang mga Pro-Agents." Ang nakatawang sabi ni Snr. Agent P.

"Si-sige ho." Sabi ni Theo ng may kagalakan sa sarili. "Ansaya ko unti-unti ng natutupad ang pangarap namin itay. Hayy sana andito ka ngayon itay." Sabi ni Theo sa sarili.

***

Secret Of AnatomicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon