Chapter Two - Secret Of Anatomica Project

27 1 0
                                    

Pumunta sila Snr. Agent P. at Theo sa Headquarter's Office ng Anatomica Agency.  Naghihintay na doon ang mga Pro-Agents (Pangalawang ranggo sa pagiging Snr. Agent) na kasama sa meeting para pag usapan ang Special Task.

"Dahil ikaw ang nakakuha ng mataas na marka, napagdesisyunan namin na ikaw ang gawing Personal Spy Agent sa 'Secret of Anatomica' Project'". Paunang sabi ni Snr. Agent P.

"Maraming salamat po na ako rin po yung napili ninyo pero bakit po ako eh diba baguhan palang naman po ako? saka ano po ba ang dapat kong gawin? Saka ano po ba yung Secret of Anatomica Project?" Tanong ni Theo.

"Dahil kahit na baguhan ka palang ay nakitaan kana agad namin ng nakita ang iyong kahusayan kahusayan. Ang gagawin mo ay magsanany dahil mabigat ang ibibigay namin sayong task medyo kumplikado. Ang Secret of Anatomica ay isang confidential na pagmamay ari ng Anatomica Agency na ninakaw ni Steve Ramos." Sagot ni Pro-Agent Z kay Theo.

"Si Steve Ramos ay dating Agent dito ngunit nag rebelde noong hindi sya natanggap bilang Snr. Agent. Si Snr. Agent P. kase ang napili noong panahong iyon kaya sa galit nito ay naghiganti sya at ninakaw ang confidential na iyon. Kinain sya ng kasakiman sa kapangyarihan, sayang at mganda naman dati ang records nya dito." Pagpapaliwanag ni Pro-Agent A.

"Balita ko ay isa na syang Druglord ngayon kaya mas lalo pa syang yumayaman at nagkakaroon ng mga kasosyo sa iba't ibang bansa. Kaya ang misyon mo ngayon ay pumasok sa Luxe University. Doon nag aaral ang anak ni Steve na si Anya Ramos. Kailangang kaibiganin mo sya at kapag nagkalapit na kayo, saka na uli tayo mag usap ulit yun lang muna Theo. At sya nga pala mag empake kana dahil simula ngayon dito kana mamamalagi." Pagtatapos sa paliwanag ni Snr. Agent P.

Secret Of AnatomicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon