Miguel

7 0 3
                                    

Part 2

Cutelyn's POV

Conversation:

Miguel: Gusto ko kase maging boyfriend mo..

Miguel: Heyy, are you okay?

Miguel: Cutelyn, heeyy..

Hind ko napansin na marami na palang chat sa akin si Miguel. Medyo shook pa rin kase ako sa sinabi niya. Playboy talaga 'to. Well, playgirl din ako so sige, sasakay ako sa mga trip niya.

Cutelyn: Ahh, so gusto mo tayo na?

Miguel: Woah, really? Okay lang sa akin. Baka napipilitan ka? Okay lang naman kung ayaw mo muna.

Cutelyn: No, okay lang din sa akin. Sinasagot na kita.

Anong akala niya sa akin, hah! Siya naman ngayon ang hindi naka reply agad. Shock siguro sa chat ko sa kaniya. Oh well, lahat naman ng lalake ganyan. That is why wala akong sineseryoso dahil lahat naman ng lalaking nagiging boyfriend ko ay mukhang hindi kaseryo-seryoso eh.

Miguel: Okay, babe. ;) <3

Tingnan mo, playboy talaga! Grrr..

Miguel: Kumain ka na ba? Kakatapos ko lang kumain kanina eh.

Cutelyn: Yep, kumain na ko kanina pa. Actually dapat matutulog na ako kaso bigla kang nag chat. haha!

Lumang style, hays. Pero okay lang, fling lang naman siya para sa akin so baka bukas break na kami. Medyo boring na siyang kausap.

Miguel: Saan ka pala nag-aaral?

Cutelyn: Sa University of ******

Miguel: Same school pala tayo eh! Let's meet tomorrow? If you want lang naman babe.

Same school kami? bakit parang wala akong kilalang miguel sa school? Sabagay wala naman akong pakealam sa paligid ko.

Cutelyn: Talaga, same school tayo? Wow, tinadhana talaga tayong dalawa haha! Oops, korni ko hahaha!

Miguel: You are so funny, kaya kita gusto eh. Mabait ka, matalino sa Math and ang ganda mo pa.

Nako, kasinungalingan. Pero sige kunwari kinikilig ako sa mga pabola niya.

Cutelyn: Thank you babe, love you! <3 Paano mo nalaman na magaling ako sa math?

Medyo matagal din bago siya sumagot. Kinilig siguro siya. Well, ako pa ba? Pasasayahin kita ngayon kase bukas break naman na tayo. Poor Miguel.

Miguel: Nalaman ko kay Jeralyn, babe.

Miguel: You..Sinabi mo bang mahal mo 'ko? Totoo ba yan?

Cutelyn: Oo naman noh! Mukha kang mabait at matalino. Gwapo pa! <3

Binola ko rin siya. Well, medyo totoo rin naman ang mga compliment na sinabi ko sa kaniya. Totoong gwapo siya, mukhang matalino pero 'di ko alam kung mabait ba.

Miguel: Sa wakas at sinabi mo ring mahal mo ako.. I love you too.. Hinding- hindi kita iiwan. Promise.

Soowss! Sinong niloko mo?

Cutelyn: Sige matutulog na ako. Bye, I love you.

Miguel: Goodnight babe, sleep tight! I love you too! <3 Ayaw mong makipag kita sa akin bukas?

Ayy, oo nga pala. Nakalimutan ko na. Makikipag kita ba ako sa kaniya? Wala naman sigurong masama. Tutal ganyan din naman ginagawa ko sa mga ka-fling ko.

Cutelyn: Sure, sa likod ng school babe after class. ;) Bye!

Miguel: Okay babe, wait kita doon. Love you!

Hindi na ako nag reply pa dahil gusto ko ng matulog. Maghahanap pa 'ko bukas ng bagong ka-fling ko. Walang thrill si Miguel.

****

Nasa room ako at uwian na namin. Balak ko sanang puntahan si Jeralyn sa room nila para ichika sa kaniya yung miguel na binigay niya sa akin. Pag punta ko sa room nila, wala ng tao.

Nag text kase sa akin kagabi, kamusta raw usapan namin.

''Bwiset iniwan niya ako!'' bulong ko sa aking sarili. Naglakad na ako papalabas ng school. Habang nag hihintay sa sa driver na susundo sa akin, bigla kong naalala si Miguel.

''Makikipag kita nga pala siya sa akin, my gosh nakalimutan ko." Pupuntahan ko sana siya doon ng biglang dumating ang kotse na susundo sa akin.

Tinanong ko na lamang sa guard kung may nakita pa ba silang tao sa likod ng school. Everyday kase silang nag che-check kung may natitira pang student sa loob ng school. Gabi na kase ngayon. Hanggang 6 pm ang class ko.

''Ma'am, wala na po. Ka-ka check lang po kanina..'' sagot ng guard sa akin. Buti na lang pala hindi ako bumalik sa loob, wala naman pala siya! Manloloko!

Sumakay na lamang ako sa kotse at binalewala na lamang si Miguel na nauna na palang umuwi sa akin. Bwiset!

Habang nasa biyahe, nag ring ang phone ko at nakita kong si Jeralyn ang tumatawag. Hay nako, wala ako sa mood ngayon makipag chikahan. Hindi ko na lamang pinansin at hinayaan na lamang mag ring ng mag ring hanggang sa tumigil siya.

Pagpasok ko sa kuwarto, humiga ako agad at binuksan ang messenger ko. Biglang nag chat si Miguel.

Conversation:

Miguel: Babe, hindi mo naman ako sinipot. :(

What? Ang lakas naman niyang makapg sabi ng ganyan sa akin. Sakalin ko siya eh.

Miguel: Pero okay lang umuwi na lang ako. Let's meet again tomorrow? Please?

Hmm. Sige tutal gusto ko ng makipag break sa kaniya. Bwiset.

Cutelyn: Okay, sa likod ng school ulit. Huwag kang aalis agad doon, okay? love you, sleep na ko. <3

Miguel: Yes, promise! love you, night!

Hindi ko na siya nireplyan dahil bwiset siya. Bahala siya sa buhay niya. Makikipag break na ako sa kaniya bukas.

Tumawag uli si Jeralyn pero hindi ko pinapansin. Naiinis ako sa kaniya dahil iniwan niya ako kagabi. Bahala rin siya! Hindi ko siya kakauspain bukas, tse!

*****

After class, pumunta agad ako sa likod ng school. Medyo madilim na. Nasa likod na ako ng school pero wala akong nakitang miguel na nag hihintay sa akin.

Binuksan ko agad ang messenger ko at chinat agad si Miguel.

Conversation:

Cutelyn: Where are you? I'm waiting.

Bigla namang tumawag si Jeralyn pero hindi ko pinansin ang tawag niya. Galit pa rin ako sa kaniya.

Napansin kong medyo matagal na akong naghihintay dito. Mukhang niloko na naman ako. Akmang aalis na ako ng biglang tumunog ang phone ko. Nag chat si Miguel.

Miguel: Wait for me, babe. Malapit na ako.

Sinagot ko agad siya.

Cutelyn: No, umuwi ka na. Break na tayo.

Akamang aalis na ako ng may tumawag sa phone ko. Si jeralyn. Sinagot ko na dahil naiirita na ako sa kakatawag niya sa akin.

''What?!'' sigaw ko sa kaniya.

''B-bbes! Si Miguel.."

''Ano? Nag sumbong sa'yo? Oo nakipag break na 'ko sa kaniya!'' Ibababa ko na sana ng magsalita siyang muli.

''P-patay na siya, bes! Kahapon pa!''

Nagulat ako sa sinabi niya. Tila ba parang tumigil ang pag hinga ko sa nalaman ko.

''A-ano?''

''Patay na siya bes! Sinaksak siya ng ka-fling mo dati na si M-mark M-morales sa likod ng school!''

''P-pero..''

''Oo, bes! Nasaan ka ba---'' naputol lamang iyon ng may biglang nagsalita sa likod ko.

''Nakikipag- break ka na sa akin? Sinabi ko naman sa iyo na hinding-hindi kita iiwan diba, Babe?

"Miguel.. "

-THE END-

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon