Miguel

8 1 3
                                    

Part 1

Cutelyn's POV

''Huy! Nangangailangan ako ng boyfriend.." sabi ko sa kaibigan ko na katawagan ko ngayon, si Jeralyn.

''Ano ba cutelyn, ako nga walang boyfriend tapos sinasabi mo sa akin na nangangailangan ka ng boyfriend? Kaloka ka ah!'' sagot naman niya sa akin na para bang wala na siyang pag-asang makahanap pa ng boyfriend.

Joke ko lang naman kase yung sinabi kong nangangailangan ako ng boyfriend, hmm, pero pwede ring kaibigan. Nag hahanap ng kaibigan, hindi boyfriend.

''May kakilala ka ba na pwede kong maging kaibigan? Ka-chat lang, ganon..'' tumawa naman si jeralyn.

''Nako, kaibigan pa diyan, alam ko namang jo-jowain mo kapag nakilala mo na eh..''

Natawa naman ako bigla dahil alam na alam niya na ganoon ang ginagawa ko kapag may mga bagong kakilala ako. Hindi ko naman kase sila sineseryoso eh. Fling lang.

''Sige, meron akong kakilala, baka matipuhan mo..'' biglang nag pantig ang tenga ko sa sinabi niya. ''Talaga? Sige, sige sabihin mo chat niya na lang ako..''

''Aba't---'' - jeralyn.

''Bigay mo na lang name ko sa kaniya, Bye!'' sabay end ng call.

Pagkatapos kong kumain ng dinner, pumasok na ako sa aking kuwarto. Kinuha ko muna ang phone ko sa table at humiga na sa kama. Sa pag bukas ko ng messenger ko, biglang may nag chat sa akin.

''Miguel?'' ang cute naman ng name, parang makaluma.

Ang gwapo niya sa dp niya! Saan napulot ni Jeralyn 'to? Ang galing ah.

Sumagot agad ako.

Conversation:

Miguel: Hello, ikaw ang kaibigan ni Jeralyn?

Cutelyn: Hello! Yes, ako nga haha!

Miguel: Ang cute ng name mo, parang ikaw. ;)

Cutelyn: Bolero, hahaha! pero salamat! Ikaw rin.. :)

Hmm.. okay naman siya. Matino naman kausap. Saan kaya nakilala ni Jeralyn ito? Baka playboy 'to?

Conversation:

Miguel: So anong ginagawa mo ngayon? Sabi ni Jeralyn, naghahanap ka ng kaibigan?

Bwiset talaga na babaeng iyon! Nakakahiya! Baka isipin nitong Miguel na desperada akong babae!

Cutelyn: Hala, sinabi niya sa'yo yan? Nako 'wag kang maniwala do'n. Loka loka yon eh. XD

Miguel: Pero kaibigan ba ang kailangan mo?

Ang bilis naman nitong mag reply, halatang ako lang ang kausap ah. Ganda ko talaga!

Cutelyn: Oo kaibigan, bakit? hahaha!

Miguel: Ayokong maging kaibigan mo, I'm sorry..

WHAT? Anong sabi niya?! Hindi porke gwapo siya, gaganyanin niya ako! Hindi ko siya type noh!

Miguel: Gusto ko kaseng maging boyfriend mo..

Natigilan ako sa pag type dahil sa chinat niya.

-ABANGAN-

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon