chapter 1

0 0 0
                                    


"Anak wag mong kakalimutan na mahal na mahal ka namin ni daddy mo ha? Ikaw nalang ang natitirang pag asa namin sa buhay."

"Mommy wag niyo kong iwan dito.Ayoko ko dito gusto ko sa inyo.Daddy please don't leave me. You said you love me then why?! Mom!Dad!"

"Ahhhhh!!!!" Napa balikwas ako ng gising sa isang panaginip nayon. Sobrang natakot ako dun. Mommy? Daddy?

"Panaginip lang pala. Akala ko totoo na yun "

Pagkapa ko sa mukha ko naka ramdam ako ng basa ang mata ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Umiyak ba ako sa isang panaginip na di ko nga alam kong totoo ba yun o hindi?

Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong dito ako sa isang lumang bahay namin malapit sa dalampasigan.

Dito nako nakatira pa mula nong labing dalawang taon gulang pa ko at eto ako ngayon disenwebe anyos na. Halos pitong taon din akong na natili dito.

Nasanay na din ako na mag isa lang sa buhay . Nag tatrabaho din ako habang nag aaral o working student . Nagtatrabaho ako sa isang restaurant malapit sa school. Public school lang ang kaya kong pasukan na eskwelahan.  Kumakayod ako para sa sarili ko para mabuhay.

Tinatanaw ko ngayon ang isang araw na kakagising lang din. Sariwang hangin na dumadampa sa mukha ko at sa mahaba kong buhok.

Toktoktok

Napatingin ako sa pinto.
Sino namang bibisita sakin?

"Ah sino po sila?"tanong ko

"Dito po kami para pag usapan ang mga papeles tungkol sa bahay at sa islang ito"

Bigla kong sinara ang pinto. Alam ko na gusto nilang bilhin ang isla nato pero di ko ito pagbibili kahit anong mangyari.
Matagal nakong naninirahan dito at ang naaalala ko lang ay may mga papeles na nakapangalan saken na ako ang may ari nitong isla. Mahalaga sakin to.

" wag na kayong bumalik pa dito . Kahit anong gawin niyo di ko ipagbibili ang islang ito " malamig kong sabi sa kanya

Madalas sila ditong pumunta . Ganyan lagi ang bungad nila saken. Minsan lang ako lumabas ng bahay. Palagi akong nag papainting ng mga kahit ano basta lumabas lang sa isip ko.

Kung titignan ang bahay ko ay parang walang nakatira. Luma pero sa loob neto malinis din naman. Syempre pinapanatili ko paring malinis ang loob ng bahay .

Lumabas muna ako ng bahay para gumala sa dalampasigan. Lagi ko itong ginagawa minsan nga dito rin ako nag eeherisyo. Palagi akong nagpapractice ng swimming. Isa din ako sa mga players sa ng swimming sa school namin kaya matataas grado ko. Mahilig din ako mag pinta yun kasi ang hobby ko simula pa noong bata ako.

Palakad-lakad lang ako sa dalampasigan ng may makita akong patay. PATAY!!!!
Tumakbo ako para tignan yung patay.

"Hala!anong nang gagawin ko. Kuya gumising ka kung di kapa patay" di ko alam ang gagawin ko. Kinapa ko yung dibdib niya parang may heartbeat pa naman. Bahala na si batman basta ang ginawa ko ni mouth to mouth ko siya.

Nagising siya at nasuka sa tubig dagat na nainom niya.

"Okay ka lang bah?" Tanong ko pero tinitigan niya lang ako.

May dumi ba mukha ko? Ay di nga pala ako naka pag toothbrush.

"Sorry po kung nakalimutan kong mag toothbrush"

"Di mo ba ako naaalala Dana?"

"Ano pong sinasabi niyo. Di po ko si Dana ako po si Raine" paliwanag ko.

"Ako si maky. Di mo ba ako naalala? Cousin? Pinsan mo ko"

"Sorry po pero wala akong pinsan. Ni wala nga po akong naaalalang  pamilya kasama ko"

"Ah cge okay lang kahit di moko maalala basta alalahanin mo ko ha"jolly niyang sabi sa akin.

"Hahha i will . Pero wala naman akong naaalalang nagka amnesia ako ha?" Inalala ko nang inalala nang biglang
"Ahhh!" Biglang sumakit ang ulo ko.

"Dana wag mo nalang pilitin. Maaalala mo rin lahat "

"Okay"tipid kong sagot

"Nga pala nasan ka pala naka tira?"

"Jan lang sa malaking bahay na yan"turo ko

May tiwala naman ako sa taong to. Siguro tatanawin niya naman ako ng utang na loob.

"Hehe nagugutom na kasi ako. Pede bang....."

"Makikain? "

"oo yun nga pwede ba?"

"Oo naman, kaso may isa tayong problema" di ako nama lengke

"Ano naman yun?"

"Di pa ako naka pamalengke " nahihiya kong sabi

"Sige ako nang bahala ma malengke . Basta ikaw bumalik ka muna sa bahay mo at mag pahinga . Ako na ang bahala ."

"Okay lang ba sayo ,baka nakaka abala na ko sayo? "

"Nu kaba pinsan kita at ang mag pinsan dapat nagtutulongan. Okay?"

"Sige na nga "

Bumalik nako sa bahay. Nag pahinga ako gaya nang sinabi ni maky. Sumakit ang ulo ko kakaisip.






My Love For HimWhere stories live. Discover now