Rizal

435 8 0
                                    

          ni: Alexa Piodos
    
    Nakaupo sa isang pasilyo si Juan at umiinom ng buko juice. Nakatingala sa isang matayog na rebulto ng isang bayani sa Luneta ngunit nakapagtataka na wala doon ang bayani at parang wala lang ang mga tao sa paligid. May biglang umupo sa kaniyang tabi, isang mama na nakasuot ng isang itim sa sumbrero.

"Magandang umaga sa iyo ihjo. Mukhang masarap yata ang iyong iniinom." panimula nito, "tingnan mo ang iyong paligid at sabihin mo sa akin ang iyong nakikita." dagdag nito.

"Mga batang ina at ama kasama ang kanilang mga anak at mga kabataan na abala sa mga aparato na gawa ng makabagong teknolohiya." sagot ni Juan na nakasamid parin sa paligid at hindi dinapian ng tingin ang katabi.

"Masakit isipin na may isang taong namatay para sa paniniwalang sila ang pag-asa ng Inang Bayan," saad ng katabi.

"Tama ho kayo mama. Nabulag ang mga ito sa teknolohiya at nakalimutan na nila ang pagiging isang Pilipino." sang-ayon ng binatilyo rito.

"Salamat at mayroon parin nagpapahalaga sa Perlas ng Sinilangan." tugon nito. "Salamat rin sa oras at ako'y mauuna na." sabay lakad nito patungo sa monumento.

"Mama! Ano pong pangalan niyo? Ako nga po pala si Juan. Juanito Borgos. " habol na pagpapakilala nito.

May isang silay na ngiti ang namuo sa labi ng kaharap.

"Sanay maging isa ka sa mabuting ehemplo, anak." ulat nito.

"Ang pangalan niyo po?" makulit na tanong nito.

"Jose. Jose Protancio Rizal Mercado y Alonso Reolanda."

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon