ni: Clint Gulfan
Isang araw , may apat na magkaibigan na si Juan, JeJe, Jonax, at Juliet.. Habang sila ay naglalakad may naka daanang isang gwapo na lalaki
“Hala ang gwapo “ Sabi ni Juan
“Ou nga “ Sabi ni Jeje
“Puntahan mo Jonax” Utos ni Juliet
“Sige” Sabi Ni Jonax
“Pre, paano maging gwapo?” Tanong ni Jonax sa gwapong lalaki
“Tatalon ka lang sa talon ng kawasan falls, bago ka tatalon babanggitin mo muna kung sinong mukha ng artista ang gusto mo maging kamukha
“Ahh sige pre salamat” Pasalamat ni Jonax sa gwapong lalakiAt si Jonax ay bumalik na sa kanyang mga kaibigan at ipinaliwanag
“Sabi niya na tatalon lang daw tayo sa talon at bago tayo tatalon babanggitin muna natin kung sinong mukha ng artista ang gusto nating maging kamukha “ Paliwanag ni Jonax sa kanyang kaibigan
At pumunta na ang apat na magkaibigan patungo sa talon ng kawasan falls, lumipas ang ilang oras ay na abot na rin nila ang kanilang distinasyon at umuna si Juan
“Gusto ko maging kamukha si Daniel Padilla!” Sigaw ni Juan at tumalon sa talon
“Gusto ko maging kamukha si James Reid!” Sigaw ni Jeje at tumalon sa talon
“Gusto ko maging kamukha si Joshua Garcia!” Sigaw ni Jonax at tumalon sa talonNgunit si Juliet ay takot na takot tumalon sa talon, lumipas ang ilang oras ang tatlong tumalon sa talon ay naging kamukha nila ang mga pangalang binanggit ngunit si Juiet ay takot na takot parin. Naghanap ng paraan si Juliet at habang siya ay naghahanap may nakita siyang isang tali at hinawakan ito
“Gusto ko maging kamukha si …” May Lumipad na ipis patungo kay Juliet “Ayyy!! Ipiss!!” Sigaw ni Juliet at siya ay nadulas at nabitawan ang tali at siya ay nahulog sa talon at ng pag alis nya sa talon ay naging Ipis ang kanyang Mukha.
BINABASA MO ANG
Dagli
Short StoryKuwentong pampanitikan, biyayang hatid ng dunong ng kaisipan. mga kuwentong may sopistikadong nilalaman at may batid na kasiyahan.