One

3 0 0
                                    

"May mga bagay na kahit anong pilit natin na iwasan, dadating at dadating yan ng hindi mo inaasahan"

---
Name: Sin Ceover
Age: 18 years of existence
Gender: Unicorn
Bloodtype: Red
Vital Statistics: Above Normal
Status: Broken

~
Isang ordinaryong araw para sa isang ordinaryong tao katulad ko.
Naglalakad na ako papuntang school, nang may biglang bumangga sa akin.

"Oh shit! I'm so sorry, nagmamadali kasi ako. Sorry miss!"

Tiningnan ko syang tumakbo palayo. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa dakilang manloloko ng campus? Michael Lim. Hmm, pangalan pa lang talaga halata mo na.

Nagkibit balikat na lang akoat nagpatuloy sa paglalakad hanggang makarating na ako sa campus.

Malapit na ako sa classroom nang may bigla nanamang bumangga sa akin. And this time, sobrang lakas na. Dahilan para matumba ako.

"Letse naman?! Ang laki laki ng daan ha!" Sigaw ko.

"Hala, ikaw nanaman? Hala sorry. Di ko sinasadya. Nagmamadali talaga ako eh. Sorry miss" sagot ni Michael

Name: Michael Lim
Age: 18 yrs. old
Gender: Adan
Bloodtype: Malapot
Vital Statistics: May 1pack abs
Status: Tingnan mo nalang fb ko.

"Next time naman kung magmamadali ka tingnan mo din yang dinadaanan mo no? Para di ka nakakasakit ng ibang tao" sagot ko a kanya habang nakatitig sya na parang gulat.

Hindi ko na hinintay yung sagot nya at nagmadali na akong pumasok sa room. Nakita ko pa syang dumaan sa hallway habang nagkakamot ng batok.

"Power mo naman Sin! Sinisigaw sigawan mo lang si Michael? Hahaha. Ang tindi mo!"

"Alam mo Yuri, kung nasa tama ako gagawin ko kung ano dapat gawin. Wala akong pake kung sikat sya. Di naman sya banal para sambahin ko."

"Woah, chill ka nga. Baka ako pa painitan mo."

Name: Yuri Chu
Age: 19 yrs. old
Gender: May melons
Bloodtype: Kalawang
Vital Statistics: Power Dancer
Status: Motor (single)

Inirapan ko na lang si Yuri bilang sagot sa kanya.

Dumating na yung professor namin, at nakinig lang ako sa kanya. Hanggang matapos ang klase ay tahimik lang ako. Niligpit ko muna mga gamit ko, bago ko marealized na magisa ko na lang sa room.

Yes, eto nanaman ko sa pagiging emo ko. Kaya ayaw ko napapagisa eh. Andaming pumapasok sa isip ko na malulungkot na bagay.

Naupo ulit ako at ipinatong ulo ko sa desk ko. At nagisip nanaman ng malalim.

Ako si Sin Ceover, isang napaka miserableng tao. Para akong problema na tinubuan ng katawan. Ganon ako kalala. Walang gustong makipagkaibigan sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Although may mga kumakausap naman sakin kahit papaano. Pero wala talaga akong kaibigan. Simula ng mapunta ako dito sa school na to, feeling ko magisa lang ako. Sa pabg araw araw ko na buhay lagi akong magisa, malungkot...

"Ah? Excuse me, pero pinapasara na tong classroom."

Napatigil ako sa pag eemo ko ng may magsalita. Nilingon ko sya at saka umirap.

Tumayo na ako at kinuha ang gamit ko, at padabog akong lumabas. Nilingon ko sya at para syang nahihiya.

"Next time kumatok ka muna bago ka magsalita. Hindi yung basta basta ka na lang eepal."

"A-ah eh, sorry. My fault."

Dali dali syang tumakbo na parang takot na takot sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako. At umalis na ako sa classroom.

Our Simple Yet Tragic Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon