Two

0 0 0
                                    

Iyak lang talaga ako ng iyak habang nakayakap sya sa akin.

Kilala nyo ba kung sino yumakap sa akin?

Yung Security Guard which happens to be my gay uncle.

"Shhhh tahan na baby girl"

Iyak pa rin ako. Eto yung yakap na gusto ko nung mga panahon na nasasaktan ako. Yakap galing sa isang taong nagaalala sa akin.

"Baby girl ano baaa? Baka pagkamalan tayo dito na mag kasintahan. Magalit pa si boyfie ko hmppp."

Lumayo kay Tito Sean at hinampas sya sa braso habang pinapahid ko mga luha ko.

"Ikaw talaga Tito, nageemote ako eh."

"Emote nanaman? Di ka ba napapagod magdrama?"

"Alam mo Tito, boring ang buhay kung walang drama."

"Napakagaling mo din sumagot eh no? Pero sarili mong problema di mo masagutan."

"Ang buhay kasi Tito ay parang exam. Napakachallenging. Minsan mahirap minsan naman sobrang dali. Ang kelangan mo lang magingat at dapat sigurado ka sa ginagawa or sinasagot mo. Dahil pag mali.. Magsisisi ka kung bakit yung sagot na yun ang pinili mo. Kumbaga wala kang ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili mo dahil nagpauto ka sa sagot na nababasa mo. Minsan kasi mapanlinlang eh. Nakakalito."

Katahimikan ang namagitan sa amin ni Tito, tinitigan nya ako ng may awa sa mga mata nya.

"Alam mo baby girl? Sa dami ng nasabi mo.. Wala akong naintindihan eh. Pero kung isasummary ko. Humuhugot ka. Pati exam na walang malay dinadamay mong bata ka!"

"Tito naman? Syempre kelangan humugot diba."

"Sus mga jejemon lang gumagawa nyan. So ano ka? Jejemon ka pala eh."

"Tito! Grabe ka naman maka jejemon. Tao din naman mga jejemon ah :( Sadyang nalipasan lang sila ng panahon mga tipong di na nakakausad sa mundo ng mga boss bente uno."

Naghagalpakan kami sa tawa dahil sa sinabi ko.

"Ayaaaan! Ganyan nga! Dapat lagi ka lang tumawa! Goodvibes lang."

"Sige gagawin ko na lagi ang pagtawa. Lalo na pag magisa ako na pasakay ng jeep, bibili sa mall, magpapara ng tryk. Tatawa lang ako lagi. Kaya wag ka magtaka pag may issue na nabaliw na ako."

"Pilosopo ka din eh no? Oh eh bakit ka nga ba umiiyak dyan?"

"Si Lion po kasi Tito."

"Lion nanaman?! Ano ba yan? Panong siya? Eh magkaiba na kayo ng school ah?"

"Yun na nga Tito eh! pinaglihi ata yung gago na yun sa linta eh. Andito sya ngayon! Dito daw sya mag aaral!"

"Tibay naman ng sikmura ng hayop na yun? Asan na sya at ng mabaril ko."

"Tito wag OA, walang bala yang baril mo."

"Bakit? Meron akong sariling baril. Di nga lang nakakamatay yung putok. Nakakabuhay pa. Hahahahaha!"

"Omg Tito! My virgin ears huhu"

"Aba hoy baby girl? Dont me nga! Sayo ko nga nalaman meaning ng karat at dukit eh"

Tinakpan ko ang bibig ni Tito at tumingin sa paligid.

"Tito wag ka maingay! Misteryoso ang record ko dito. Baka pag nalaman nila yang mga yan di na sila matakot sa akin."

"Ay ganon ba baby girl? okay sige."

Lumayo si Tito sa akin ng konti at bigla nalang nya tinumba ang sarili nya.

Our Simple Yet Tragic Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon