Part 2 - Jelri

173 8 4
                                    


Lumipad mula apartment hanggang hospital si J at Kaori para mahanap si Diana.

Pumasok sila sa kwarto kung saan nakaconfine si Kaori mula sa bintana.

Nakatingin lang si Kaori sa pakpak ni J, hindi parin siya makapaniwala na isa talagang anghel si J.

Tinago naman agad ni J ang pakpak niya ng bigla siyang nakaramdam ng kakaibang energy sa loob ng hospital.

"what's wrong?" sabi ni Kaori, nagtataka ito sa pagkagulat ni J.

"Stay here, may pupuntahan lang ako saglit." paalam ni J.

Umupo lang si Kaori sa tabi ng katawan niya. Paglabas ni J, napansin na niya agad ang isang lalaking sobrang puti na nasa 1st floor ng hospital. nagelevator eto habang pinagmamasdan ang lalaki kung saan nakaupo eto sa waiting area. Pagdating ni J sa pwesto ng lalaki, agad namang napalingon sakanya ang lalaki.

"Seth." "Az." sabay na tawag nila sa isa't isa kung saan napataas ng kilay si J sa pagtawag ni Seth sakanya ng Az.

"anong ginagawa mo dito?" tanong ni J. Bakas parin sa mukha nito ang pagtataka kung bakit ramdam na ramdam niya ang energy na nagmumula kay Seth.

"same question for you, anong ginagawa mo dito?" pabalik na tanong ni Seth sakanya habang tumitingin ito sa paligid.

"Just trying to see earth?" umupo si J sa tabi niya.

"I'm here to get someone soul." pag amin ni Seth. Sumandal ito sa pader ng inuupuan niya na para bang buong araw na siyang naghahanap dito sa hospital.

"That's new." maikling sagot ni J sakanya. First time niyang makita ang frustration na nabubuo sa mukha ni Seth.

"Yeah, mukhang special yung susunduin ko, she got this rare dark aura and not to mention but Lucifer is out in hell." kunwari nagulat si J sa sinabi ni Seth tungkol kay Lucifer.

"What? why?" Hanggang ngayon hindi parin lubusang maisip ni J kung anong ginagawa ng kapatid niya sa earth.

"I don't know." walang ganang sagot ni Seth. Tumayo eto sabay tingin sa room ni Kaori.

"I think I found her." Sabi ni Seth ngunit wala na pala sa tabi niya ang taong kausap niya.

"We need to go." ramdam ni Kaori ang pagmamadali sa tono ng boses ni J na para bang may isang bagay siyang iniiwasan.

"Pero.." Di na natuloy ni Kaori ang sasabihin niya ng bigla siyang hawakan ni J sa bewang ang lumipad mula sa bintana.

"What's wrong? I already saw Diana walking to my room." nagtatakang tanong ni Kaori.

Hindi makaimik si J, sa pagkakataong ito hindi pinaalam ni J na hinahanap siya ng isang Grim reaper. Alam ni J na si Kaori ang tinutukoy ni Seth dahil nakita rin niya ang dark aura na bumabalot sa soul nito.

Seth is one of Hell Grim reaper maliban kay V na naglilingkod para kay Lucifer. Napuno ng tanong ang isip ni J, una bakit nasabi ni Seth na special ang susunduin niyang si Kaori, pangalawa hindi pa totally patay si Kaori, coma lang ang katawan nito kaya napapaisip siya kung bakit kukunin na ng isang grim reaper ang isang soul na hindi pa totally patay at panghuli, why did Lucifer save her. Kaya hanggat hindi pa niya nakikita si Lucifer, she will do her best to protect Kaori's soul.

"Stay here. Babalik ako dun." pagdedemand ni J kay Kaori, lumipad ito pabalik sa hospital. Wala ng nagawa si Kaori kundi maghintay sa apartment ni J.

Napaupo si Kaori sa sofa kaharap ang malaking tv na nasa sala ni J. Napansin niya ang isang ps4 at dalawang controller dito. Nilapitan niya ito, gusto niyang hawakan ang controller at iOn ang ps4 pero naalala niyang hindi pala siya nakakahawak ng bagay sa mundo dahil isa nalang siyang kaluluwa. Maliban kay J,  wala pang ibang tao ang nakakakita sakanya.

Lucifer in Girl BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon