Part 3 -Jenlisa

229 9 3
                                    


Sobrang bored at inis si Lisa dahil hindi man lang siya sinama ni Diana sa lakad niya ngayong araw. Wala rin naman siyang ibang gagawin kundi uminom ng paborito niyang rhum. She poured another El Dorado rum into her glass.

Naglalaro lang ito ng dart gamit ang assasin blade nito. Sa huling bato niya,  napagdesisyonan niyang lumabas ng penthouse ni Diana. Habang naglalakad papuntang park napansin niyang may tatlong babae na binubully ang isa pang babae. Tumigil ito sa paglalakad habang pinapanuod ang babaeng matangkad na nakahawak sa both side ng kamay ng babaeng maliit habang ang isang babaeng ubod ng puti dahil sa foundation ay sinampal ito. Ngumiti si Lisa sa nakita niya.

"someone is trying to be me." bulong nito sa sarili matapos makita ang pagtorture na pagsampal ng babae sa babaeng bansot.

Sasampalin nanaman ulit sana ng babaeng ubod ng puti ang mukha yung babaeng maliit pero natigilan ito dahil sa babaeng umawat sa kamay niyang malapit ng dumapo sa mukha ng babaeng maliit.

"Anong karapatan mong sampalin ang babaeng ito." tanong ni Jennie, nainis ang babaeng ubod ng puti ang mukha habang nataranta naman ang babaeng matangkad dahil halata sa mata ni Jennie ang pagkainis sa ginawa ng kasama niya.

"ano bang problema mo,  wag ka ngang makialam dito." sinubukang alisin ng babae ang pagkakahawak ni Jennie sa kamay niya ngunit nahirapan itong hilain dahil sa lakas ni Jennie. Kita parin sa mata niya ang umaalab na inis nito dahil sa nangyari.

Hindi napansin ni Jennie ang isa pa nilang kasamang babae kung saan naglabas ito ng balisong at akmang sasaksakin si Jennie, kung hindi naging maagap si Lisa nasaksak na si Jennie dahil dito. Namilipit sa sakit ang babae ng hawakan ni Lisa ang kamay na gamit ng babae para hawakan ang balisong. Dahil sa takot ng tatlong babae kay Lisa.  Tumakbo na sila paalis ng park. Naiwang nakaupo sa sahig ang babaeng maliit. Nilapitan ito ni Jennie.

"Okay ka lang ba?" concern na sabi nito,  napatingin si Lisa kay Jennie.

"I deserve it." sabi ng babaeng maliit. Napataas ng kilay si Lisa sa sinabi ng babae habang si Jennie naman ay nagtataka.

"Alam ko namang girlfriend siya ni James pero pinatulan ko parin si James dahil mahal ko talaga siya." confess ng babae.

Nainis si Lisa sa narinig niya.

"Deserve mo naman pala talaga! alam mo ba yung ginawa mo? Sumira ka ng isang relasyon! Nananakit ka ng ibang tao! Kaya dapat pinaparusahan ka talaga!" kitang kita sa mukha ni Lisa ang galit nito.  Isa sa pinakaayaw niya ang intensyon ng isang tao na manakit sa kapwa niya. And she do really torture them sa hell,  lahat ng kabit hindi pinalampas ni Lisa.

Hinila ni Lisa ang kwelyo ng babaeng maliit at tinignan ng masama,  Lisa really want to punch the girl pero nakalimutan niyang andoon pala si Jennie.

"Enough doctor, wala kang pinagkaiba sa mga babaeng umapi sakanya kanina." inis na hinila ni Jennie si Lisa para malayo sa babae.

Alam naman ni Lisa na isa siyang torturer at oo parang ganun nga siya sa mga babaeng umapi sa babae maliit, ganun nga siya, she's a demon pero ang marinig ito mula kay Jennie,  may naramdaman siyang sakit. Hindi siya makapaniwala na nasaktan siya sa sinabi ni Jennie.

"At hindi ibig sabihin nun kinakampihan kita." dugtong ni Jennie sabay tingin sa babaeng katabi niya.

"Hindi naman mali ang magmahal diba, maling pagkakataon lang. Alam ko naman yun kaya tinigil ko din pero huli na ang lahat,  nasaktan ko na siya." kitang kita sa mukha ng babae ang pagsisisi.

Hindi man maintindihan ni Jennie ang nararamdaman ng babae dahil hindi pa niya naranasang magmahal, niyakap nalang niya ang babae para icomfort habang hindi parin makapaniwala si Lisa sa naramdaman niya dahil kay Jennie.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lucifer in Girl BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon