Noong unang panahon sa isang sulok ng mundo, may isang haring kilala dahil sa hindi mabilang na mga babaeng nagkakagusto at naguugnay sa kanya.
Si Lukaz ang haring ito. At sa malaking kahariang pinamumunuan niya ay binansagan siyang "babaero".
"Iniibig daw ako ng mga babae. Kalokohan! Ang kailangan lamang nila ay ang aking kayamanan. At ang dahilan kaya gusto nilang maiugnay sa akin ay ang estado ko sa buhay dahil ako ay isang hari."
Ganoon lagi ang hinala niya sa lahat ng mga babaeng nag-aalay ng pag-ibig sa kanya. Hindi raw tapa tang pag-ibig ng mga ito sa kanya.
Isang umaga, nagising si Lukaz sa awit ng dalawang ibong magsing-irog.
"Kay sarap umibig... Kay sarap magmahal... Makulay, maninging... puso'y puspos ng kaligayahan..."
"Pssst! Magsitigil kayo riyan! Walang kabuluhan ang inyong awit! Tigil!" singhal niya.
"Mahal na Hari, kapag natagpuan ninyo ang babaeng inyong iibigin ay doon n'yo lamang maiintindan ang amng awit," sabi ng lalaking ibon.
"Puno ng misteryo at hiwaga ang pag-ibig, Mahal na Hari. Sana ay maranasan ninyo ang magmahal at mahalin"sabi ng babaeng ibo na lumilipad-lipad pa sa harap niya.
Lumipad ang lalaking ibon upang lapitan ang babaeng ibon at ito ay hinalikan. Masuyong lumilipad-lipad sa harap niya ang mga ito. Ipinagpatuloy ay dalawang ibon ang pag-awit at pagkaraan ng ilang saglit ay lumipad na palabas ng bintana.
Pagkaraan ng ilang araw, sakay ng kanyang paboritong kabayo, namasyal si Lukaz malapit sa paanan ng bundok. Natigilan siya ng marating niya ang isang malawak na halamanan –ang Hardin Kahali-halina –dahil may namataan siya roong isang magandang dilag.
Hindi siya nag-aksaya ng panahon. Nilapitan niya ito. "Binibini, ako su Haring Lukaz. Maaari ko bang malalaman ang iyong pangalan?" tanong niya.
"Dalay," banayad na sagot nito at ngumiti ito nang matamis.
"Maganda ka. Kasingganda mo ang mga bulaklak na iyong inaalagaan sa harding ito. Ikaw ang babaeng gusto kong maging asawa. Sumama ka sa akin," tahasang sabi niya rito.
Dagling napawi ang ngiti nito. Tumalikod at lumayo ito sa kanya. Tila hindi nito nagustuhan ang mga sinabi niya.
Napanganga siya. Sa kauna-unahang pagkakataob ay noon lamang siya napahiya sa isang babae.
Pagdating ni Lukaz sa palasyo ay pinasaliksik niya ang tauhan ng babaeng nakita niya sa Hardin Kahali-halina. At doon niya nalaman na si Dalay ay isang diwata. Ang ama nito ay si Haring Adamo na kilala bilang mabagsik, may isang salita,at higit sa lahat ay mahigpit na ama sa anak nitong si Dalay.
Kinabukasan, kasama ang kanyang mga kawal, nagtungo si Lukaz sa kaharian nina Dalay. Doon ay nakaharao niya si Haring Adamo at sinabi niya rito ang kanyang pakay. "Bilang pagbibigay-galang sa inyo, kung inyo pong mamarapatin, nais kong magtungo rito sa mga panahong ipahihintulot ninyo upang ligawan ang inyong anak na si Dalay."
"Si Dalay ay isang diwata. Ipinagbabawal kong umibig ang isang mortal na kagaya mo sa aking anak. Kami ay mga immortal na kagaya mo sa aking anak. Kami ay mga immortal na nilalang," matigas na tugon ni Haring Adamo.
Sinulyapan ni Lukaz si Dalay. "Nakikiusap po ako sa inyo, gusto kong lubusang makilala ang inyong anak," pagpupumilit niya.
"Narinig mo ba ang aking sinabi? Magkaiba ang ating uri. Maakalis ka na!" lalong tumigas ang pananalita ng Hari. "At binabalaan kita, binate. Huwagna huwag kang lalapit sa aking anak!"
BINABASA MO ANG
Alamat ng Paruparo (COMPLETED)
Short StoryAlamat ng Paruparo Kwento ni Segundo D. Matias Jr. Guhit ni Leo Alvarado Noong unang panahon, may isang haring umibig sa isang diwata. Sinuway ng dalaga ang ama nito at tinanggap ang pag-ibig ng haring mortal. Dahil doon, pinarusahan ang magsing-iro...