Dela Catalina

7 0 0
                                    

"banal na aso santong kabayo natatawa ako hihihi..."

Pakanta kanta kami habang nasa biyahe papuntang Dela Catalina. Ito ang centro ng aming bayan. Pero hindi kagaya ng nakagawiang syudad, ang Dela Catalina ay isang tahimik na lugar, kung maikukumpara sa aming barangay, mas maingay pa ang aming lugar.

"Don't you find it weird guys, kasi sobrang tahimik naman yata dito wala man lang bang night life dito like bars?" Sabi pa ni Charles

"Kaya nga dito tayo pinatapon para magkoliheyo at hindi sa Maynila kasi walang temptasyon ganoon" sagot naman ni Shan

Hindi ko namalayang nakapasok napala kami sa Dela Catalina, at gaya ng nabasa niyo, dito kami magkokoliheyo.

" At tsaka allowed ba tayong lumbas, like labas sa campus talaga? Boarding school kasi so I doubt na pwede tayong lumabas." Sabi naman ni Mae habang nakatuon ang pansin sa labas.

"Eh kung hindi pwede edi gagawin nating pwedeee! HAHAHA" malokong turan ni Jasper

"Yunnnnn!" Na sinang-ayunan naman ng ibang lalaking kasama namin, sina Joe, Nil, at Carlo at sinabayan pa ito ng paggulo nila sa buhok ni Jasper.

Napailing nalang ako sa kanila at napabuntong-hininga. Kung hindi lang dahil kay Ren, Yet, Mae, at Shan, hindi ako papayag sa desisyon ng tropa.

Okay lang naman ang mama ko kung saan ko gusto kaya wala akong problema, at kaya nandito ako ngayon, heto kami ngayon.

Napalalim ang pag-iisip ko, nagulat ako nang kalabitin ako ni Mae, kakain daw muna kami at maglibot libot before kami pumunta sa DCIT-U. Kahit naman medyo maliit lang ang tao dito pero magara parin ang pamumuhay at may mga usual na establisyemento paring nakikita.

Pumasok na kami sa isang sikat na fast food chain, Jollibee.

As soon as I finished eating, I excused myself para pumunta sa washroom. Sa di inaashang pagkakataon may nakabangga akong babae nang papasok nako sa pinto ng Cr.

"Are you stupid? Get out of my way bitch." sabi nito at umalis na.

Nako yong dugo ko gusto ng lumabas sa katawan ko t*ngina! Pero kalma self, 'wag pumatol sa mga makikitid ang utak. Remember, kung maliit lang naman na bagay at pwedeng pagpasensyahan, pagpasensyahan nalang nating nakakaintindi.

Nagpatuloy na akong pumasok ng may lintek na naman akong nakabanggaan,  isang babae.

"Ah hehehe, sorry po—" sabi ng babae ngunit naputol ito nang tawagin siya nung imoaktang unang nambangga sa akin.

"Joyce, pwede you make it fast." Turan pa nito sabay hagis ng bag sa babaeng tinawag niyang Joyce at sabay tapon ng masasamang tingin sa akin.

"Sige po mauuna nako sorry ulit miss" nakayokong sabi nito, nahalatang nahiya sa ginawa ng babae kanina. Well base sa nakikita ko para siyang nerd na ewan, but something is strange, binubully kaya siya?

Ginawa ko niya yung dapat kong gawin, paglabas ko ng Cubicle ay naghugas ako ng kamay nang biglang napansin ko ang tissue sa gilid na may nakasulat na.

"Mag-iingat ka, see you. Mimi"

Bigla kong nabitawan ang tissue at bahagyang napaatras at napalingon sa pintuan palabas.

Imposible! Wala namang nakakakilala sa akin diba?

Mimi– ang pangalang ayokong marinig pa. Hindi nako si Mimi ako si

Cha...

✨✨✨

Kasalukuyan kaming nakapila para sa pagkuha ng room no. At key sa kwarto, nakuha na kasi namin kanina ang study load namin. So ang kailangan nlang ay room no. Para makapagpahinga narin kami.

"Next..."sigaw ng Registrar.

"Ako po" sabi ko sabay bigay ng ID ko sa kanya. Yup may ID narin, noong nag enroll kami kunuhaan ng ID.

Tinanggap naman ito ng Registrar at saglit na napatulala, ilang segundo pa ay binalingan niya ko ng tingin habang binigyan ko lang siya ng isang  mayuming ngiti.

Ibinigay niya sa akin ang room key, RM413— 4th floor, no. 13.

Naghiwahiwalay na kami para hanapin ang kanya-kanyang room.

Ng mahanap ko ang room ko ay walang katok-katok akong pumasok, what for?

Pagpasok ko ay nagulat ang dalawang babae, yeah right. So I have roomates.

Isang poker faced girl, a–at yung Joyce.

"Hi?" Patanong na bati ko, tumango lang si poker faced girl at pumunta sa kitchen.

"Oh hi, na meet na kita kanina diba? Ako na oalang ang humihingi ng pasensya sa ginawa ni Fitch, mainitin lang talaga ang ulo nun. Joyce Satiniaman nga pala" ngiting pakilala niya.

Habang Ako'y napakibitbalikat kang dahil sa mahabang introduksyon at nakipagkamay sa kanya.

"I'm Cha, nice to meet you." Napabaling naman ang atensyon ko sa poker faced girl.

"I'm Gwen, Juice or Water?" Pagpakilala naman niya bitbit ang dalawang inumin sa tray.

Napangiti naman ako, it's not what I expected it to be.

"I'll go with juice" inilahad niya ito sa akin at ibinigay kay Joyce ang tubig.

"Ayyyyy, aanhin ko naman ito Gweeennnn" inis na sabi ni Joyce.

"Try mong tinidorin o di kaya'y kamayin" cold na sabi nito.

Ngayon ko lang sila nakilala but I know magiging masaya ang samahan namin.

Isang poker faced na pilosopa, isang childish innocent nerd, at syempre ako isang magandang chubby 😉

"First year din kayo?" Pag-uusisa ko.
"Oo, actually magpinsan kami ni Joyce" pag- oopen up pa ni Gwen, di naman pala siya ganoon ka cold or whatever.

Napatango lang ako.

"Actually, sinundan niya ko from Cebu."

Napatigil ang pagkuha ko sa biscuit na inihain ni Joyce kanikanina lang.

"Cebu? Taga- Cebu kayo?" Tumango naman silang dalawa.

"Oo, nagtransfer ako dito ka–asi, ano uhmmm—" nauutal na sabi niya.

Ngunit si Gwen na ang tumapos.

"Nagtransfer siya dito kasi may gusto syang kalimutan" heartbreak?

"Sumunod naman ako dito kasi nagpapaunder na naman siya sa "fake sister" niya". Pagpapatuloy ni Gwen.

"Fake sister?" tumango naman si Joyce

"Oo, si Fitch Stepsister ko, nag-asawa kasi ulit ang Dad ko, pagkatapos ng aksidente. Hindi ko naman alam na nandito siya eh, at tsaka nililinis ko pangalan niya para di rin madungisan ang pangalan ni Papa"

Napailing nlang si Gwen.

"Whatever Joyce, matutulog na muna ako, akin pala yung kwarto sa right side Cha, see you later" sabi nito at nagtungo na sa kwarto niya.

"Pagpasensyahan mo na si Gwen, medyo cold magsalita pero if close na kayo, hindi siya ganyan. Oo nga pala, sakin yung sa left tapos sayo yung gitnang kwarto. Gusto mo tulungan kitang mag-ayos nt gamit mo?" Turan ni Joyce habang nagliligpit.

"Ay wag na salamat nlang" ngiting saad ko.

" Sige pumunta kana, huhugasan ko lang to" tumango naman ako habang tinatanaw siyang naglakad palayo.





Nandito siya para kalimutan ang problema.
Nandito ako para tapusin ang problem.

How ironic it is.

Tsk tsk tsk...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Block K2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon