Prologue

7 0 0
                                    

Someone's POV

Tumatagaktak ang pawis ko sa narinig.

Paano nila magagawa iyon?

Ngunit kahit anong gawin ko hindi ko mapipigilan ang plano nila sapagkat ang isang tulad ko ay walang kalaban laban.

Hindi nalang sana ako pumunta sa pagtitipong ito gayoong wala naman talaga akong balak pumunta. Dahan-dahan ang galaw kong humakbang para makalayo sa lugar na iyon.

At sa pagharap ko, nakita ko ang mga masasayang mukha ng mga taong hindi ko kayang ipaglaban.

Patawarin niyo sana ako at maging ng Panginoon...

Block K2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon