The Introduction

4 0 0
                                    

Bakit kaya may mga taong paasa? Bakit may mga taong umaasa? Continuous cycle ba talaga ito? Kung may paasa, may aasa? Kung may umaasa, may nagpapaasa? Ang gulo!

Eto na naman ako. Tinatanong ko na naman ang sarili ko nang mga bagay na wala namang tiyak na kasagutan. Parang katulad lang nang kung sino ang nauna sa manok at itlog. Sige nga, ikaw, sino ba sa tingin mo ang nauna?

Pero maiba na. Ako nga pala si Arabelle Natividad. Short for Ara or Belle. Pero mas gusto ko na tinatawag ako na Ara. Naiilang kasi ako sa Belle, pangmaganda. Hindi naman sa sinasabi ko na pangit ako, pero hindi rin naman ako maganda. Sakto lang.

'Yung tipong hindi mo mapapansin kapag naglalakad sa kalsada, hindi mo titingnan kapag nakasalubong mo sa daan. Kaya naman hindi na ako nagtataka na wala man lang nangliligaw sa akin.

No boyfriend since birth at one of the boys pa. Don't even think that I'm the type who always wear jeans and shirt. Uunahan na kita, hindi ako ganoong pumorma. Depende sa mood ko ang pananamit ko. Minsan nagiging girly girl ako, madalas shorts and shirt lang. Pero hindi ako lalaki manamit. I just said that one of the boys ako kasi madalas kasama ko mga lalaki kesa babae. Less drama.

Medyo weird nga ako eh. Imagine, I love reading romantic novels and I love watching romantic movies pero sa tuwing nasa ending na, lagi kong kinokontra 'yung mga nangyayari. I always say whatever I want to say. May pagkataklesa at prangka rin ako. Minsan feeling ko naiintimidate tuloy sa akin ang mga lalaki, or sadyang one of the boys lang talaga ang tingin nila sa akin.

Hinding hindi mo ako makikita sa library, unless examination period na.  Nakakaantok kasing tumambay doon. Madalas na nasa Coffee Shop ako malapit sa dorm na tinutuluyan ko ako tumatambay after class hanggang kinabukasan. 

YUP! Magdamag kami ng tropa ko sa Coffee Shop para lang magkuwentuhan or mag-aral kuno. Speaking of, meet may tropa si Louie.

Louie is one of my closest guy friend. Madalas kaming nagkakasama sa mga gala. Alam ko halos lahat sa kanya at ganoon din siya sa akin. Walang sekretong maitatago ang isa't isa sa amin. Pero ako, may sikretong pilit na itinatago sa kanya.

"Hoy bru!!! Tara Cafe Letizia tayo?" tanong niya sa akin.

Tiningnan ko lang siya. Wala kasi ako sa mood pumunta ng coffee shop. 

"Ang suplada mo naman. Ano na namang problema?" tanong na naman niya. Nilapitan niya ako at inakbayan. "Kung ano man ang problema mo, idaan na lang natin 'yan sa coffee!"

"Wala nga ako sa mood. Marami pa akong aaralin Louie. Alam mo namang Prelim Exams na next week. Hindi naman ako nakakaaral sa coffee shop kasi kukwentuhan mo na naman ako for sure."

"Promise hindi ako mag-iingay! Gusto ko lang talaga nang makakasama ngayon." 

Napatango na lang ako. Hindi ko kayang tanggihan siya. 


"Nakita ko nga pala si Andrew kanina. Hinahanap ka niya sa akin." inalis nito ang mga kamay na nakaakbay sakin at pilit akong iniharap sa kanya. "Umamin ka nga, anong meron sa inyo ni Andrew?"

Anak ng tokwa. Bakit naman nasama bigla si Andrew na walang malay sa eksena? 

"He's a very, very close friend of mine. Pero mas close tayo syempre." paliwanag ko. "Teka bakit ba kailangan kong magpaliwanag sa'yo?"

"Duh! Tropa tayo? Close kayo? E di ba may gusto ka sa kanya?"

WTF! Saan na naman niya napulot ang mga sinasabi nito? Grabe, oo gusto ko si Andrew pero dati iyon. DATI!

"Kinuwento sakin ni Karl. Tingnan mo sa iba ko pa nalaman na nagdadalaga ka na pala. Dati binata ka na, ngayon babae ka na!"

"Di ko naman na siya gusto."

"Sus. Kunwari ka pa. E sino nang gusto mo?"


Ikaw, tanga!

Kung pwede lang sabihin, matagal ko nang ginawa. Pero babae ako. 

Alam ko namang alam mo. Nagtatanga-tangahan ka ba talaga o sadyang manhid ka lang? O wala lang talaga, kasi kaibigan lang ako para sa'yo?

To be continued. 

Please comment below po kung anong masasabi niyo sa story na 'to. Hihi. Salamat sa pagbabasa! 

Dear Heart, Kalma, Okay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon