Hindi ko naman talaga alam kung kailan nagsimula na magkagusto ako sa kanya. Kasi naman nasanay na ako na laging nandyan siya sa tabi ko. Sa tuwing masaya ako, lagi siyang nandoon, nakatabi sa akin. Alam ko kahit naiinis na siya minsan kasi sobrang daldal ko kapag masaya ako, pero go lang, nandun siya nakikinig.
Sa tuwing malungkot naman ako, tahimik lang kami parehas. Walang nagsasalita. Alam mo 'yung sa Skip Beat? Si Kyoko at si Sho? Ganoon kami. Sa tuwing naiiyak ako, hindi ko mapakita sa kanya. Kasi alam kong wala naman siyang gagawin. Alam kong wala. At masakit iyon.
Pero kahit ganoon, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na mahulog sa kanya. Sa mga kilos niya, sa mga simpleng good morning niya, sa mga good night, kumain ka na ba?, at namimiss na kita. Lahat na lang ng gawin niya, napapansin ko. Kahit gaano kaliit o kasimple.
Sino ba naman ang hindi mafafall sa kanya? He's every girl's dream guy. Tall, dark and handsome. Hindi siya tulad nung mga napapanood mo sa TV or makikita mo sa mga magazine at billboards na naghuhumiyaw ang mga abs sa katawan. Walang wala siya non. Ang meron siya tabs. Pero ewan ko ba, kahit kasi may bilbil siya, gwapo pa rin siya.
Sabi nang iba ang swerte ko raw na kaibigan ko siya, lalo na 'yung mga girls na nagkakandarapa sa kanya. Pero para sa mga girl friends ko, naiinis sila sa kanya. Ang daldal kasi niya. Hindi siya mysterious type na tulad ng mga bida sa mga koreanovela.
Siya na yata ang pinakamaingay na taong kilala ko.
Sa tuwing nasa klase kami, lagi siyang nagrerecitation. Lagi rin siyang nagkukwento sa akin, kahit hindi kami magkatabi, pipilitin at pipilitin niya na kuwentuhan ako. Kaya lagi kaming napapagalitan sa klase.
Pero marami siyang vices. At minsan iniisip ko na bad influence siya sa akin. Pero masaya ako, lalo na kapag kasama ko siya. Hindi ko kasi kailangang magpanggap at magpakademure sa harap niya. Kahit ano nasasabi ko. Kahit magmura ako wala siyang pakialam, kasi palamura rin siya.
Kaya nga one of the boys talaga ang tingin nila sa akin.
Naalala ko tuloy nung magkasalubong kami sa hallway ng school.
"Yooooh, Ara!"
"Ang sungit? Saan ang punta?"
"Pansinin mo naman ako."
Bigla niya akong hinili palapit sa kana at niyakap ako patalikod. Alam niyo 'yung mga eksenang akala ko sa mga movies at teleserye lang nangyayari, nangyari rin sa akin. At ikinagulat ko 'yon.
"Bati na tayo ha? Ingat ka!"
'Yung feeling na ang lakas ng kabog ng dibdib ko, alam kong naririnig niya 'yon. Pilit kong pinapakalma 'yung puso ko pero hindi eh, hindi ko masabi na "dear heart, kalma ka lang please? Kalma, okay?"
Pakiramdam ko sasabog na ako. Pakiramdam ko sa bawat araw na pinapatagal ko lang ito, mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya. At hindi ko alam kung may patutunguhan ba itong nararamdaman ko sa kanya, o mag-isa lang akong umaasa. Alam ko kasing mali, mali na magkagusto ako sa tropa ko. Mali, kasi hindi dapat.
Paano na 'to? Paano na ako?
BINABASA MO ANG
Dear Heart, Kalma, Okay?
RomancePaano ang gagawin mo kung bigla na lang mahulog ka sa tropa mo? Kakayanin ba nang puso mo?