Bigla akong nakarinig ng pagbukas ng pinto at pagtingin ko dito ay patalikod na si zake at mukhang paalis na
Agaran kong tinago yong roses at pinunasan ang pisnge ko
Andito sya?
Baka nakita nya ako?, my god yuko na
Bumalik ako sa room at nakita ko si alexa na kinakalikot ang cp nya
Muli kong naalala ung kanina
Pano na nga lang kung nakita nya akong umiiyak?
"hello..... hello.... looking for shiho jane cruz, hello.... hello... calling for the attention of Miss Shiho Jane cruz!!! "nakatutok ang cellphone ni alexa sa bibig nya at umaastang parang nag aannounce
tumingin ako sa kanya ng deritso
"hello hello-"
"tigilan mo yan alexa, hindi nakakatuwa"
Sa tagal ko ng kasama si alexa ay naging malapit na ako sa kanya
Pero bakit hanggang ngayon hindi ko man lang masabi sa kanya ang problema ko di gaya kay jasmine na bawat galaw ko ay alam nya
Kaya siguro ganun
Kaya siguro sila nakagawa ng paraan ni toph dahil din sa kadaldalan ko
Inshort kasalanan ko talaga
Pero ang hirap
Ang hirap tanggapin na baka natatakot lang akong maulit muli yong dati kaya hindi ko man lang masabi to kay alexa
Wala namang kahina hinala sa kanya
Kasi halos alam ko naman na ang tungkol sa pamilya nya
Hindi sya yong masyadong spoiled
Ang bait nga nya eh
Kahit madaldal, makulit atleast hindi sya nagtatago sa akin
Kasi naman mas delikado kung walang emik yong tao baka mamaya may biglang pasabog
Siguro someday
"calling for-"
Di na naman nya naituloy ng tingnan ko sya ng masama
"okay na? "sarkastiko nyang sabi
"san na namn naglayag yang utak mo? "pagtutuloy nya
"pa-"
"pagod ka na namn? " di nya ako pinatapos at sya ang nagtuloy
Napakamot tuloy ako sa nuo
"tell me"
Nagulat ako ng maging seryuso ang mukha nya
"tell me ano? Alexa okay lang ako.... Nagmumuni lang"pilit kong pinakalma ang sarili ko
"shiho di ako bulag, di kami bulag ni tj at ni erick na yan"madiin nyang sabi
Nanlaki ang mata ko
"anong ibig mong sabihin? "pagtataka kong tanong
"kaya nga sabi ko tell me, kasi di ka na namin naiintindihan, di na namin kayo naiintindihan"
Napalunok ako
Ibig sabihin nakakhalata na sila?
***
"bakit di mo pinigilan? "
Feeling ko nasa the buzz ako sa sabay sabay na tanong ni alexa
Nandito kaming dalawa sa icecream parlor
BINABASA MO ANG
3 White Roses
Mystery / ThrillerIsang babaeng nagngangalang shiho jane ay naninirahan sa syudad ng maynila ang nakakita ng isang lalaking misteryuso na si jhon ritz zake at sa kabila ng lahat ,isang palatandaan ang naging tulay sa kanilang pagmamahalan,*3 white roses* Nguni...