Ang galing no? Ang galing ng buhay... Sa araw araw na tingin mo sa sarili mo na kakaiba ka, na bakit ganto ka? Na natatanong mo na lang, bakit siya ganto? Bakit si ano ganyan? Samantalang ako.... Ang hirap, ang hirap na sa araw araw mong pagising, sana magkaroon na lang ng himala, na sana habang nakapikit ako o pag gising ko isang araw bigla akong nagbago, nasa katulad din ako ng iba..
Yong feeling na ikaw na ang pinakamalas na tao sa buong mundo na halos sumapain mo na sarili bakit ganto ka?.. Sa araw araw na pagdaloy at paglalakbay mo, sa paulit ulit at nakasanayan mong mundo mapapaisip ka na lang, panu kaya kung pinanganak akong hindi ganto? Panu kaya kong katulad din nila ako? Pero alam mo sa sarili mo na di naman na magbabago yon kasi nandito ka na eh.... Heto ka na... Wla ng magbabago..Pero isang araw, sa lahat ng bagay na yon, sa likod ng mga paghihirap at paskit na yon... Sa mga sana... Sa mga bakit... Sa mga panu.... Biglang may dumating
Pasakay ako nuon sa bus nang makita sya,,,yong taong kamatch ko.... Mapapangiti ka na lang na sa lahat ng yon d pala ako nag iisa, ganun na ba ako kaexag? Kung makaasta parang binagsakan ng langit at lupa,
Yong mapapaisip ka na lang hindi sa tanong na 'bakit? ' kundi sa 'may katulad rin pala ako? ' ang sarap sa pakiramdam na di ka nag iisa? Siguro may dahilan ang diyos kung bakit ako pinanganak na ganto..... Atleast may natutunan ako na sa lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ay may dahilan, sabi nga " all things happen for a reason" thank you sa lahat ng araw na naging matatag ako para mahintay sya...Kumunot ang nuo ko habang binabasa ang post ni Shiena Mae Carolino sa fb
Ka match?
Panu naman sya makakasiguro na yong makakatuluyan nya ay ka match nya?
Tss
Kung iisipin nga naman, anglayo ng agwat namin ni toph kaya siguro di sya ang kamatch ko
Andito pala ako sa kama ko....
Hinatid Ako ni zake dito sa bahay pero ang loko ayaw umuwi
Mag isa daw ako dito sa bahay kaya sasamahan nya ako
Ano bang pumasok sa utak non?
Binaba ko ang phone ko at tumingin sa kisame
Sa wakas toph
Matatapos na din lahat,lahat ng paghihirap ko dahil sayo
Thankyou sa isa jan
Speaking of, sa sala sya natulog
Oo nakitulog sya dito kasi ayaw umalis"all things happen for a reason" banggit ko ng maalala ko yong post ni shiena
Pinikit ko ang mga mata ko at sinubukang matulog
"my mom and dad left me! " muli akong napamulat sa narinig ko
Heto na naman
Ito na naman yong may maririnig ako bago tuluyang matulog
Ito yong panaginip ko kailan lang
Yong batang lalaki na umiiyak mag isa sa duyan
All things happen for a reason?
Ano namng dahilan?
Pinilit kong matulog pero taksil ang diwa ko, nagpagulong gulong ako sa higaan
Ano bang problema?
Alas dyes na ng gabi pero di talaga ako makatulog
Bumaba ako para kumuha ng tubig
Ohh shemayy
Dahan dahan akong naglakad sa sala na tila iniingatan ang mga paghakbang ko na maaring magdulot ng ingay
Parang magnanakaw tuloy ako dito
BINABASA MO ANG
3 White Roses
Mistério / SuspenseIsang babaeng nagngangalang shiho jane ay naninirahan sa syudad ng maynila ang nakakita ng isang lalaking misteryuso na si jhon ritz zake at sa kabila ng lahat ,isang palatandaan ang naging tulay sa kanilang pagmamahalan,*3 white roses* Nguni...