1. Meet
Kyendale's Point of View
"Ano ba? Napakatagal mo naman.." inis na tanong sakin ng kaibigan ko, si Hailey.
"S-Sorry.. May inasikaso pa ako eh.." paghihingi ko ng tawad. Pero ang totoo talaga ay hindi na naman ako makahinga kanina kaya inasikaso muna ako ni mama kaya't naging dahilan ng pag intay ng matagal ni Hailey.
"Oh eh tara na male-late na tayo. First Subject pa talaga." irap nyang sabi sabay talikod at unang naglakad. Medyo nanghihina pa ako kaya't di ako makabilis ng bagal.
Ramdam kong lumapit na naman sakin si Hailey. "Ano ba talaga, kyen?! Anna and Kayvi texted me, nandoon na raw ang first period prof natin! Super duper late na tayo ang hina hina mo maglakad! Nagagalit na sakin ang mga bestfriends ko! Kung ayaw mo bilisan, edi sige, maiwan na kita." mataray niyang sabi sabay alis.
Ngumiti ako ng mapait sa kawalan. Minsan iniisip ko rin kung kaibigan ba talaga nila ako o hindi kasi kakaiba na rin ang mga aksyon nila. Hindi ko ramdam na kasama ako sa kanila pero hindi ko iyon pinapakita sa kanila.
May nakita akong malaking kahoy na upuan sa gilid ng daan. Umupo ako roon at tinignan ang aking orasan.
8:37am.
Late na nga talaga. Hindi nalang siguro ako papasok sa first subject.
Nagmuni muni lang ako dito at may napansin akong pusa na naglalakad papalapit sa basurahan. Agad ko iyong nilapitan at hinimas himas. Mapapansing pusang gala ito dahil sa itsura. Ngunit hindi ko pa man natatagalan, ay napabahing na ako.
Binalewala ko iyon. Pero isang saglit pa, dalawang beses na akong nabahing. Ramdam ko ring nahihirapan na akong huminga.
"Kung may allergic ka sa pusa, wag mo na syang lapitan, baka mapasama ka pa." may isang tinig akong narinig. Boses lalaki iyon. Nag angat ako ng tingin at may nakita akong matipunong chinitong lalaki na nakatayo sa harap ko.
"Sino ka?" tanong ko.
"Your future man." ngiting sabi nito sabay kindat. Abay walang hiya!
"Kuyang chinito. Kung ano man yang pinagsasabi mo ay tigilan mo na't baka mapasama ka rin. Thank you nalang sa concern pero hindi ko kailangan ng kakornihan mo. Mauna na ako.." mabait kong sabi sabay alis sa harap nya. Kinuha ko ang gamit ko sa upuan na kahoy at umalis.
Malapit na ako sa bahay at Nakaramdam ako ng gutom kaya agad akong pumunta sa resto na malapit lang sa bahay. Isang Japanese resto. Agad akong umorder at nang..
Sumasakit na naman ang sistema ko!
Magsasalita palang sana ako ng order sa cashier pero bigla nalang akong naoabaluktot sa sakit ng sistema ko!
Umaatake na naman ang walangya!
Ramdam kong nagulat ang mga tao sa paligid ko. Napaupo nalang ako sa sahig at tinanggap ang mga concern words nila sakin. Nang maramdaman kong may humawak sa siko ko. Nag angat ako ng tingin at..
SI KUYANG CHINITO!
B-Bakit?
Sinundan nya ba ako?
"Are you okay miss?" nag aalalang tanong nya.
"Ikaw na naman?!" inis na sabi ko sabay ng pagkirot ng sistema ko. "Arghgh!!!" ramdam kong umaagos na ang luha ko sa pisngi ko.
"Shit! Miss! Tumawag po kayo ng ambulance!--" agad kong pinutol ang sasabihin nya.
"Wag! Wag please! Kailangan ko lang ay makauwi na.. Dalhin mo nalang ako roon." hinang hina sabi ko at napapaluha.
Hindi sya sumagot at agad akong kinarga.
Nakakahiya man pero wala akong magawa dahil sobrang sakit na ng sistema ko!
Sinabi ko sakanya ang lugar kung nasaan ako.
At nakarating nga ako sa bahay. Hindi ko narin sya pinatuloy sa loob dahil hi ndi ko naman sya lubos na kilala.
Tuluyan na akong nakapasok sa loobakay ng maids na tumatawag na kela mom and dad.
At yun nanga, ang huli ko nalang nakita ay sila mom, dad at mga kapatid ko na nagtatakbuhan papalapit sakin.
Hanggang sa mag itim ang paningin ko.
-
To be continued..
Thanks for Reading.
YOU ARE READING
Tears of Us
Random"We need to break up. We can't last long.. Because i think i'm not the real girl who always there by yourside.. Ayokong mahirapan ka nang dahil sa akin. I'm very sorry.. Aishiteru, mi amor.." Kyendale Helen said while crying and begging in front of...