Prologue

1 0 0
                                    

Never did I imagined my life to be like this. Never did I imagined myself to be like this. Never did I imagined to fall this hard with someone I don't have chance with.

"Man ano ba naman yan," saway sakin ni Janus ng makita niyang wala akong ganang maglaro. Tinignan niya ako ng maigi at lumapit siya sakin habang dala dala ang bola ng soccer.

Bumuntong hininga ako at itinigil ang pag-iisip ng kung ano-ano

"Pasensya na man, may konting iniisip lang," sagot ko

Inakbayan niya ako, "man, kung ano man yan sana ay wag kang magpapa apekto," saad niya at nginitian ko

It's that smile that captured my heart. Kung alam mo lang sana Janus.

"Ayos nako man pero mukhang kailangan ko ng umalis, hinahanap na siguro ako ni Mama," saad ko sa kanya

"ah sige sasabay narin lang ako sayo, may pupuntahan rin ako sa inyo," sabi niya at nginitian ulit ako

Bakit ba kailangan niyang ipakita sa akin ang mga ngiting ganyan? Hindi ba niya alam na masyadong nakakapag huhumantindo sa aking puso ang simpleng ginagawa niya.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa amin. Hindi naman ito kalayo kaya mabilis lang kaming dumating sa bahay.

"Janus, halika na pumasok ka," sabi ko,"pasensya ka na at mukhang hindi pa nakakapag linis si mama." napakamot ako sa ulo habang sinasabi ang mga katagang iyon

"Naku ayos lang ano ka ba," saad niya at nginitian ako

Pina upo ko muna si Janus sa aming couch bago ako umakyat papuntang itaas at nagbihis

Pagkatapos magbihis ay dumiretso ako sa kusina para tawagin si mama

"Ma, nandyan po si Janus," sambit ko, kaagad namang lumabas sa kusina si mama

Nakita ko ang napakaraming hugasin sa lababo kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na hugasan ang mga ito.

"Auntie Lisa, may gusto sana akong hilinging permiso sa inyo," saad ni Janus gamit ang kanyang pinaka seryosong boses

Dinig na dinig ko mula dito sa kusina ang pinag-uusapan nila. Maliit lang naman kasi ang bahay namin.

"Ano iyon Nus?" tanong ni mama

Napatigil ako ng marinig ang sagot ni Janus

"Pwede ko po bang ligawan si Mariella?"

Parang tumigil sa pag ikot ang mundo at sa mismong mga oras na yon doon ko napagtanto na wala na talagang pag-asa at huli na talaga ang lahat...

***
It's my first story since I stopped writing for years hehez.

So how's it? Share your thoughts please in the comment section, thank you.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 24, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Never did IWhere stories live. Discover now