Simula

25 1 0
                                    

Magdadapit-hapon na naman at wala na akong iba pang magagawa kundi ang hintayin na lang na matapos ito at maghintay ng bukas upang abangan  ang sunod na paglubog ng araw. Sa loob ng dalawang buwan kada taon, ito na ang nakasanayan kong gawin tuwing bakasyon, tuwing summer.

Noon, ito ang pinakahihintay ko sa bawat araw na darating. Ang makita ang paglubog ng araw habang nakaupo sa paborito naming pwesto noong mga panahong nandito pa siya sa tabi ko.

"Sammy!" napahinto ako sa pagbabalik ala-ala ng marinig kong sumigaw si Nanay Lorna. Siya ang nag-alaga sa akin simula pa pagkabata kaya naman, siya na ang itinuring kong magulang.

"Saan ka ba nagsususuot na bata ka, ha? Kanina pa kitang hinahanap dahil may naghihintay sayo sa mansion." masayang wika nya kaya naman nagtataka akong nagtanong sa kanya. "Sino pong naghihintay? Sa pagkakatanda ko, sa isang buwan pa uuwi sina Mommy at Daddy. At kahit umuuwi naman sila, hindi naman nila ako hinahanap." wika ko sa kanya na hindi ipinapakita na apektado ako.

Bumiyahe kami pauwi sa mansion ng  tulala ako at malalim ang iniisip.Namalayan ko na lang na nasa tapat na kami ng mansion at pinihit ang doorknob sa harapan ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil kanina pa akong hindi mapakali nang hindi ako sinagot ni Nanay Lorna sa kung sino ang naghihintay sa akin sa mansion. Huminga ako ng malalim bago ko iyapak ang mga paa ko sa loob ng mansion.

Naglakad ako patungo sa salas namin ng may makita akong isang lalaki. Kahit pa nakatalikod siya ay alam na alam ko kung sino sya. Parang tumigil ang mundo ko ng unti-unti siyang humarap at ngumiti. Ang mga labi nyang nakangiti ay hindi nagsasaad na masaya siya dahil ang mga mata nya ay punong-puno ng pangungulila at lungkot.

Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko ngayong nasa harapan ko siya. Napatulala ako at hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang humakbang siya papalapit. Ang distansya namin ay sapat ng dahilan kung bakit hindi ako makahinga ngayon sa harap nya.

"I'm sorry, I came too late." wika nya na naging dahilan upang tumulo ang mga luha sa mata ko.

In the Midst of WaitingWhere stories live. Discover now