001

16 0 0
                                    

"Samantha Myresse!" natigilan ako sa aking ginagawa ng bigla akong nakarinig ng sigaw mula kay Daddy. Nasa itaas pa lang siya ng bahay namin ay ramdam ko na ang galit nya. "What's the meaning of this?" agad akong natigilan ng ipinakita nya sa akin ang letter mula sa guidance office. Hindi ako nakaimik kaya naman nadagdagan ang galit nya sa akin. "Go to your room and don't you dare escape!" galit na wika nya .

Inaamin kong pasaway akong bata at lahat ng pagpapasaway na ito ay ginagawa ko upang mapansin ako ng mga magulang ko. Simula pa lang noon ay wala na silang ibang ginawa kundi ang pagalitan ako sa lahat ng maling bagay na ginagawa ko. Gusto ko lang naman na mapansin at mabigyan ng atensyon ng magulang.

"Sammy, anak" tawag ni Nanay Lorna habang kumakatok sa pinto. Hindi na nya hinintay na makasagot ako at tuluyan na nga nya akong nakitang umiiyak. Bakas ang pag-aalala sa mukha nya at alam kong gustong gusto nya akong patahanin. Napakasaya ko na nandito si Nay Lorna dahil kahit papaano ay may tumatayo akong magulang na umiintindi sa akin. Umiyak lang ako sa kanya upang gumaan ang nararamdaman ko ngunit hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.

"Sammy, gumising ka na at magbihis ka, may pupuntahan tayo." nakangiti nyang wika sa akin. Agad akong bumagon at naligo. Paglabas ko ng kwarto ay napangiti ako dahil nakahanda na ang susuotin ko. "Bumaba ka na riyan at mag-almusal ka." agad akong tumakbo pababa para mag-almusal.

Sumakay na kami sa sasakyan at tinahak ang daan patungo sa pupuntahan namin. "Saan tayo pupunta, Nay?" tanong ko sa kanya ngunit ngiti lamang ang isinukli nya sa akin.

Oras na ang nakalipas at naramdaman kong bumabagal na ang takbo ng sinasakyan namin. Napasilip ako sa labas and there, I saw a signage that says it's an orphange. This is my first time going to this place at ngayon pa lang na nasa labas na kami ay namamangha na ako kaagad. Ang mataas nitong gate na kulay itim, ang mga punong nakapalibot dito, at ang mataas na estruktura ay napakaganda.

"Halika na, Sammy." hindi ko namalayang nakatulala na pala ako. Pagpasok pa lang namin sa gate ay may naghihintay na kaagad na mga tagapangalaga. Nakangiti sila at alam mo kaagad na welcome na welcome ka sa lugar na ito.

"Sister Lorna, masaya akong makita ka. Ang tagal na nang huli kang bumisita kaya naman miss na miss ka na namin lalo na ang mga bata." bati ng isa sa kanila at laging gulat ko ng mapag-alaman kong magkakakilala sila.

Nagtungo kami sa loob at mas lalo akong namangha dahil napakalinis nito at napakalawak. Agad akong tumakbo sa palaruan at sumakay sa duyan. Ito ang matagal ko ng gustong gawin. Ang makapaglaro ng malaya at walang mahigpit na nakabantay. Ang tagal kong hiniling na maging malaya kahit sa kaunting oras lamang. Dumampi ang malamig na hangin sa balat ko at wala akong ibang ginawa kundi ang namnamin ito habang patuloy na idinuduyan ang aking katawan. Napakasarap sa pakiramdam ng malaya ,ang tangi kong naibulong sa aking sarili.

Naglakad ako sa kung nasan si Nay Lorna ngunit wala na sya doon sa pwesto nya kanina. Wala akong nagawa kundi hanapin sya at maglibot sa lugar na ito. Napakalaki nito kaya't nakakapagod ang maglakad sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay may narinig akong mga nagtatawanan at nag-uusap. Ang daming bata ang nandito at ang iba ay mukhang nasa edad ko rin lamang.

May lumapit sa aking isang babae, "Bago ka ba rito? Anong pangalan mo? Tara laro tayo!" she was about to pull me but then I pushed her away. "Get your hands off of me! Hindi ako nakikipag-usap sa mga kagaya nyo!" I halted and she was surprised with what I just acted.

Hindi ko na siya pinansin at agad na akong tumakbo papalayo sa pwestong yon. Hindi ko gusto na may nakikitang batang masaya. Nagagalit ako sa tuwing may makikita akong bata na katulad ko na masaya at nakangiti. I've always wanted to be happy and contented because I have a family who can give me everything I wanted but they can never give me the only thing I needed - their love and attention.

Malalim ang iniisip ko at natagpuan ko na lang ang sarili kong umiiyak. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad ng bigla akong natumba at ramdam ko ang sakit sa likod na bahagi ng aking katawan.

"Aray! Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" galit na wika ko. Agad kong pinunasan ang luha kong kanina pang dumadaloy sa mukha ko, bago pa nya tuluyang makita ito.

"Bakit ako ang sinisisi mo, eh ikaw 'tong hindi tumitingin sa dinadaanan?" hindi sya nagpatalo sa pangangatwiran. Agad akong tumayo at tinitigan ko siya ng masama.

"Nakita mo na pala na hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko, bakit hindi pa umiwas?" muli kong banat sa kanya. "Ikaw 'tong-" hindi ko na siya hinintay na makapag salita pa. Gusto ko siyang gantihan ngunit kailangan ko pang hanapin si Nay Lorna. Agad na akong naglakad papalayo at iniwasan ang batang lalaki na ngayo'y masama ang tingin sa akin.

Nahanap ko si Nay Lorna at saktong pauwi na kami sa bahay. Agad na nagpaalam kami sa mga tagapangalaga doon at mabilis na sumakay sa sasakyan. Napasulyap akong muli sa labas at nakita ko ang batang lalaki na nabangga ko kanina. Nakatayo siya at nakatingin sa sasakyan namin. Ibinaba ko ang bintana ng sasakyan at nang mapatingin siya ay agad ko siyang ginantihan ng masamang tingin. Umandar ang sasakyan at kita ko ang mga mata nyang patuloy na nakatitig dito. Ngayon, parang gusto ko na palagi kaming bumalik dito. Makakahanap din ako ng paraan para magantihan kita and when that time comes, you'll never forget the first time that we've met.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In the Midst of WaitingWhere stories live. Discover now