ՏíʍմӀɑ

5 0 0
                                    

Meron pa bang nararamdaman?
Sa pusong laging nasasaktan
Paulit ulit sinisisi ang sarili sa nakaraan
Kung bakit nagkaroon pa ng kasalanan

Nagtataka kung bakit ikaw ang minahal
Marami namang tao na nag aabang sa aking pagmamahal
Pero nang ako'y iyong sinaktan
Puso ko'y parang naging bakal

Marami kang sinabing mga salita
Sadyang ayoko ng marinig dahil ako'y nagsasawa na
Nangungulila ang pusong nasanay sa iyong presensya
Pero sa huli sasabihin mo nalang pasensya

Natatawa nalang ako sa bawat patak ng luha ko
Kung bakit iiyakan ka pa eh dapat naka move on na ako
Alam kong ang tanga at bobo ako
Pagdating sa mga salitang laging pinaniniwalaan ko

Ang saya noong panahon na magkasama pa tayo
Walang epal at nakikisalo
Pero nang dumating ang mga problema at mga sadako
Para kang bula na nawala sa tabi ko

Hinahanap hanap kita kung saang dako ka na napunta
Ayun pala nahuhulog ka na sa iba
Sobrang sakit na nakikita kayong magkasama
Samantalang ako umiiyak na mag isa

Marami akong gustong sabihin sayo
Pero huli na ang lahat ng malaman kong malapit na magtapos ang kwento ko
Kailangan kita ngayon sa tabi ko
Sana naman mabasa mo ito sa huling pagkakataon na makikita mo 'ko

Mga Tulang Walang KwentaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon