Sobrang bilis ng pag patakbo ko ng aking motor ngayon nag mamadali ako na baka may mangyaring masama kay angela, inihatid ko naman yung 3 sa bahay dahil hindi pa ito ang tamang oras upang humarap sila sa ganitong sitwasyon....hindi pa....
Kringg.....kringgg..... agad kong sinagot ang tawag at hindi na nag atubiling tignan kung sino man ito
"Hello, Queen hahahaha" pero kahit hindi kona tingnan kung sino alam ko na dahil sa boses nang demonyong to
"Demonyo ka" kalmadong sagot ko sakanya
"HAHAHA hindi naman masyado, pasalamat ka nga at tinulungan ko tong kaibigan mo, nakita ko kasi siyang nag iisa kaya kinuha ko nalang HAHAHA" malumay na salita niya...t*ngina ka talagang matanda ka!
"Pag may ginawa ka sa kanya, mag simula kanang humingi ng tawad sa ibaba na mga kalahi mong demonyo dahil ipapa sundo na kita" nang gigigil na saad ko sakanya, inuubos mo talaga ang pasensya ko sayo.... ngunit kailangan kong mag timpi dahil may mas maganda akong plano sayo, mga kahinaan ko pala ang pinupunterya mo pwess bibigyan kita ng patas kahinaan mo din ang gagamitin ko laban sayo
"Wala naman akong ginawa sa kanya queen, HAHAHA may mga sinabi lang akong ikaka sira ng samahan niyo HAHAHA "
"F*CK Y——- toot— toot—" binabaan ba naman ako ng tandang to bwst!!
"Angela kung ano man ang sinabi sayo ng matandang yun sana...sana wag kang maniwala...." sabi ko sa sarili ko...
Nandito na ako sa lugar ng pinag lalagyan ni angela, may malaking mansion na puti kang makikita at may malaking gate na black naman may mga 20 na mga taohan niya ang nakabantay sa labas, nadidto lang ako sa tabing kalsada, pinag masdan ang paligid at hindi muna bumaba ng motor, medyo malayo naman ako sa mansion kayat hindi nila ako mapapansin, habang ng iisip kung pano pasukin ang mansion ng biglang tumawag si jayziel
"Heather san kana? Angela is here,umuwi ka na" halata sa boses ni jayziel na nag aalala siya, agad ko ng niliko ang aking motor at mabilis na pina andar patungo sa bahay
JAYZIEL P.O.V
Nang maka uwi kami sa bahay nila heather may biglang humintong sasakyan at iniluwa nito si angela at agad ding umalis
"ANGELA!" Sigaw ni katrina at nag madali kaming lapitan siya at pina upo sa sala, tolala lamang si angela kahit anong tanong namin sakanya ay hindi siya sumasagot
"Jayziel call heather na nandito na si angela" naka tingin saking saad ni andrea, kaya agad ko naman itong tinawagan
"Heather san kana? Angela is here, umuwi kana"pag katapos kong sabihin yun ay agad din akong binabaan ni heather, kita mo tong babaeng to wala talagang respeto,babaan ba naman ako
"Angela ano bang nangyayari? San kaba galing? Nag aalala na kami sayo lalo na si Heather" nag aalalang salita ko kay angela at inayos ang kanyang buhok na medyo nagulo na
"Angela sino yung nag hatid sayo dito?" Nag tatakang tanong naman ni andrea sa kanya, ngunit nanatili parin si angela na tolala tila para bang wala itong nariring
Ilang sandali pa habang pilit naming kinakausap si angela at wala parin itong sagot ay narinig na namin ang pag dating ni heather dahil sa ingnay ng kanyang motor
"Heather you're here na!" Sigaw ni kat, kahit kailan talaga parang tanga tong si kat, kitang nandito na sasabihin pa
"Angela are you okay?" Kitang kita ko ang pag aalala sa mukha ni heather habang naka tingin ito kay angela na tila ba awang awa siya dito
BINABASA MO ANG
MAFIA QUEEN
ActionNakakatakot,Nakakatindig balahibo,walang sinasamba kung tungkol sa pamilya niya ang pinag uusapan, Heather is her name,may madilim na nakaraan na hindi mo gugustuhin na malaman,she love blood,kung ayaw mo pa mawalan ng buhay sundin mo siya,ayaw niya...