2. Changes

226K 4.5K 519
                                    


Hindi kasi kami nagkatuluyan. Wala, nagpakasal ako sa iba...

Naalala ko ang sagot ko doon sa kaklase ko noong college nang makita ko siya sa supermarket noong isang araw. She asked me about him again and all I could feel was that pain in my chest. Ako din naman kasi ang may kasalanan kung bakit kami nandito ngayon - kung bakit nawala siya sa akin. I had a choice - but I chose to break his heart. Alam kong narinig na iyon sa pelikula. Pero iyon ang totoo. If I could only have another chance - a second time to re-arrange things between us - gagawin ko dahil alam kong ako pa rin ang pipiliin ni Yvo.

I have hurt him in many ways that I couldn't even imagine. Hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko dahil doon. Hindi ko talaga mapaniwalaan na naging ganoon ako kasama - na nagawa kong saktan ang mahal ko. Kung alam ko lang, siya n asana ang pinili ko. I sighed.

"Thea, you've been doing that since where in the plane. Ayaw mo bang umuwi ng Pinas?" Tanong sa akin ni Sebastian. Nakaupo siya sa tabi ko. Nasa loob kami ng isang putting SUV - ang siyang sumundo sa amin sa airport. Wala naman na akong nagawa nang sabihin niya sa akin na nag-book siya ng flight pauwi ng Pilipinas dahil nabalitaan niyang nagkasakit ang Papa ko - nag-alala ako pero ayoko sana talagang bumalik. Ayokong balikan ang lugar kung saan nangayari ang pananakit ko sa taong minamahal ko.

Until now, I'm still so in love with Yvo Jorge Consunji. Alam kong mali dahil may asawa na ako, alam kong hindi na tama dahil galit na siya sa akin but then, what can I do with my hoping heart? I'm still hoping that I'd bump into him and he would smile - just like the way he smiled ta me back in the train where I first met him, years ago. Dala-dala ko pa rin ang alaalang iyon sa puso ko hanggang ngayon.

Memories, iyon na lang naman ang meron ako, at iyon na lang ang dahilan kung bakit ako gumigising sa umaga. I sighed again.

"Okay lang, Seb. I'm good. I'm just so tired." Wika ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya para i-assure siya na okay ang lahat. Tumingin ako sa labas ng bintana at saka nagbuntong hininga na naman. Hindi ko na alam kung ilan taon ba akong nawala - five years, seven years. I don't know - I just stopped counting because all I could feel is the pain in my chest.

Dumiresto kami sa ospital. Hindi na ako nagsalita kay Sebastian. Nagtuloy na lang kami sa kwarto ni Papa. When we got there, he was asleep. Hinagkan ko ang Papa ko sa noo. Wala siyang kasama noon. Ni wala si Mama. Hindi ko alam kung dapat ko siyang tawagan. Sa huli ay itinext ko na lang si Tabatha para sabihin na naroon kami.

"Do you know what happened to him, Seb?"

"Noong nakausap ko ang mama mo, sinabi lang niya na palaging sumasakit ang dibdib ng Papa mo. Kaya dinala siya dito. May bara ang puso niya - so they had to operate on him. I'm sorry, my darling kung hindi ko agad nasabi sa'yo." Tumango na lang ako. Hindi ko naman masyadong dinidibdib ang nangyari kay Papa. Sebastian told me that he was going to be alright at naniniwala ako sa kanya. Kahit kailan naman ay hindi pa ako binigo ni Sebastian. He was always there for me and he was always taking care of me. He wanted the best for me at dahil doon - lalo ko siyang minamahala bilang isang kaibigan.

Ilang minute lang ang lumipas nang bigla naming bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang Mama ko. I stood up and kissed her cheeks pagkatapos ay nagpaalam akong lumabas para mamili ng pagkain. I didn't want to be in the same room as my mom. I hated her for what she made me do - bonus talaga na mabait sa akin si Sebastian.

Lumabas ako ng ospital para pumunta sa isang café. I bought a bunch of cakes and sandwiches. Bumili na rin ako ng kape at isang bote ng fresh orange juice para kay Papa. Pinaghintay pa ako ng barista para sa order kong kape. I sat on a chair near the window. Naghihintay lang ako. And somehow, something kicked in my chest when I recognized the song playing inside the café.

Exclusively HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon