Chapter 2 - Second week of School

90 14 0
                                    

Julianne's P.o.V.

Second week pa lang ng school kaya wala pang masyadong activities. Katabi ko ngayon si Ralph. Pinaupo kasi ni Miss sa tabi ko kasi may bagong paparating na student pero di niya daw sure kung kailan. Nakakatawa katabi si Ralph parang kilala ko na siya talaga pero di pa hahaha.


Anyways...


*RIIIIIINNNNNNNNGGGGGGGGGG*



Okay Lunch time na.


"Okay class that's all for today. Go eat your lunch" sabi ni Miss Tan yung MAPEH teacher namin.


"Goodbye Miss Tan and thank you" bati naming mag-aaral.


Lumabas na ko ng room at nakita ko na sumabay sa akin si Ralph. Hinintay ko si Trisha at Cheska sa labas ng room.


"Oh sasabay ka samin?" Tanong ko kay Ralph.


"Yep. Pwede ba?" Sagot niya.


"Oo naman okay lang sarap ka naman kasama eh" sabi ko.


Lumabas na si Trisha kasama si Cheska at Lim. Lim ang tawag namin kay Nikki Lim dahil minsan kapag Nikki tawag namin yung isang Nicole naman ang lilingon.


Anyways bumaba na kami sa canteen. Pagkatapos namin pumunta sa locker sa may guard house para kunin yung baon namin at ibalik yung books na di na gagamitin ni Trisha pumunta na kami sa canteen. Dumiretso si Trisha para hanapin sila Lim ako naman diretso hanap ng uupuan namin.


Pumunta ako sa table malapit sa Slushie bilihan siya ng any kind of fruit shake pwede ka rin gumawa ng sarili mong halo. Nung uupo na ko sabay rin na may umupo sa harapan ko. Napatingin ako sa kanya at napatingin rin siya nasa likod niya yung tropa niya. Teka parang familiar yung mukha niya.


"Parang nakita na kita before" sabi ko.


"Oo nga eh" sagot naman ng lalaki na naka-glasses.


"Oo nga ikaw pala yung babae na muntik na naming masagasaan nung first day." Sabi niya.


"Yes I am" sabi ko.


"Sorry ah" sabi niya.


"Ok lang siguro nga dapat ako magsorry. Sorry dahil di ako maingat" sabi ko.


"Di ok lang yun basta sa susunod mag-ingat ka na lang" sabi niya.


"Okay po anyways ako po pala si Julianne Clyde Domingo" sabi ko.


"Ako naman si Ranz Kyle Pineda" sabi niya sabay abot ng kanyang kamay para mag-shake hands kami. Inabot ko kamay ko at nag shake hands kami.


"Sige it was nice meeting you uhhh" sabi ni Kyle and paused for a bit because he doesn't know how to call me.


"Julie" sabi ko.


"Julie, nice meeting you" sabi niya.


"You too sa susunod muli" sabi ko at may biglang nagsalita sa likod ko. 


"Ehem" nakita ko sila Trisha sa likod ko.


"Pakilala mo naman kami." Sabi ni Cheska.


"Ok ahh" di ko alam kung ano tatawag ko sa kanya.


"Ranz na lang kasi masyadong marami ng Kyle" sabi niya.


"Ok Ranz eto pala si Trisha, Cheska, Ralph, Nikki, Fredrick, at Ate Angelica." Sabi ko habang tinuturo kung sino yung nabanggit ko.


"Nice meeting you guys sige mauna na ko iniwan na ko ng mga kasama ko eh hehehe" sabi ni Ranz.


Umupo na kaming lahat sa table.


"Yun yung lalaking nakasakay ng kotse na muntik na kong nabunggo." sabi ko sa kanila.


"NABUNGGO KA??!" sigaw nila na sabay-sabay bukod kay Trisha.


"MUNTIK lang naman" sabi ko. Tapos sabay sabay na kami kumain.


"Ano nangyari kaya MUNTIK ka nang masagasaan?" Tanong ni Lim.


"Huminto ako jan sa kanto tapos bigla akong tinapik ni Kuya ng medyo malakas kaya napaabante ako ng konti sabay naman may paparating na kotse tapos umatras ako para di masagasaan yun na- Out of Balance ako at nahulog una yung pwet." Kwento ko sa kanila.


"Ahhhhh" sabi nilang lahat na sabay sabay.


"Julie!" Tawag sa akin ni Ryan Salameda pero Ryan tawag ko sa kanya.


"Oh eto pala yung mga sandwich ko ubusin mo na balik mo na lang sa akin yung tupperware ah" sabi ko.


"Thank you at Love you!" Sabi niya alam ko naman na joke lang yung pag-I Love you niya at sanay na ko dun.


"Yieeeeeee" sabi ni Lim.


"Ano meron?" Tanong ko. 


"Wala" sagot nilang lahat. 


"Hahahahahahahahahaha" tawa naman kaming lahat pagkatapos.


*RIIIIIIIIIINNNNNNNNNGGGGGG*


Ayan na naman yung epal na bell. Pumunta na kami sa mga linya namin Pero ako dumaan na muna kay Ate Yasmin. Yung tindera samin ng mga snacks. Bumili ako ng twenty pieces ng mentos at pumila agad para di mahuli.


*PAGTAAS NG STAIRS SA LABAS NG ROOM*


"You need it for your health blah blah blah"sabi ni cheska na naiinis sa sobrang init. Hayyyy ang init talaga.


Author's Note
What's Up madlang people!!! Andito na naman ako yung author ng book hihihi. Anyways maiksi lang yan pero promise yung susunod na chapter mahaba :)
- Dani

My FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon