NAGLALAKAD ako patungong hallway at sa kasamaang palad, nakasalubong ko lahat ng mga estudyante na walang humpay sa pagbubulongan
"Guys, may balita ako! Masayang balita at nakakainis na balita! Alam niyo bang break na si Adrian at 'yong girlfriend niyang hindi naman natin kilala," anang isang babae sa gilid.
"Yon din ang dinig ko. . . buong campus ata alam na yan."
"At ito pa! Ang nakakainis dito rin pala nag-aaral 'yong malanding girl na ‘yon!"
"May naririnig din ako na ang girl pa talaga ang nakipag break! Ang kapal!"
"Grabe, ‘no! Mas lumala pa tuloy ang pagiging playboy ni Adrian."
"Okay na rin 'yon, kaysa may girlfriend siya at hindi na natin siya mahaharutan pa!"
"Oo nga, 'no!"
Walang tigil ang bulongan nila. Nakakasawa man pero hindi ko na lamang sila pinansin, nag tuloy na lang ako sa paglalakad.
Bakit pa nga ba hindi pa 'ko nasanay sa kanila. Lagi naman ganyan dito. Sa totoo lang, nakakarindi na, ang paulit-ulit na bulongan nila. Ayaw ko lang magreklamo dahil baka ako ang sugurin nila at ayoko rin nang eksena.
Meron akong sikretong karelasyon dati, pero nakipaghiwalay ako sa kanya dahil sa akala ko magbabago siya. Isang buwan naging kami then last week i broke up with him, hindi ako nakipag break ng walang dahilan. May dahilan ako. May tao bang nakikipag-break na walang dahilan? Kung meron man ay tanga ng taong iyon.
Nakilala ko siya bilang isang Playboy, Casanova at jerk! I love him so much! Sino bang hindi ma i-in-love sa lalaking iyon? Gwapo, mayaman, sikat, at napaka charming niya pa. Pero hindi ibig sabihin no'n na jinowa ko siya dahil gwapo, mayaman, sikat at charming siya. Jinowa ko siya dahil mahal ko siya, pero dahil sa pagmamahal na 'yon, nabulag ako sa kadilimang pinasok ko. Pero kahit gano'n siyang tao mahal na mahal ko pa rin siya.
Alam ko rin na kaya siya nagkaganyan dahil may dahilan siya. Hindi ko rin naman alam na magkakagusto rin siya sa akin. Nagsimula kami sa chat or text bago naging kami. Senekreto namin ang aming relasyon. Ayaw niya kasing may maka alam at gano'n din ako. Ayoko rin ng attention. Chat or text lang kami nag-uusap at kong lalabas man kami, nagsusuot siya ng sumbrero, sunglasses or patago kaming nagdi-date.
Akala ko magbabago na siya. Akala ko mababago ko siya. Pero nagkamali ako! Nagbago man siya pero katiting lang. Niloko niya ako, sobrang nasaktan ako kaya nakipaghiwalay ako sa kanya, ayaw niya pa nga pero dahil ako ito, wala siyang magawa. Lahat ng meron sa amin kinalimutan ko, na kahit last week lang kami naghiwalay. Nandito pa rin 'yong sakit, hindi mawala-wala.
Oo, tama 'yong mga sinabi ng mga nagbubulungan! Ako at si Adrian ang pinag-uusapan nila about break up namin at sa hindi nila kilalang ex kuno ni Adrian. Tama, ako 'yong ex niya. Ako 'yong babaeng tinutukoy nila na hindi alam ng karamihan na ako ang naging girlfriend ni Adrian.
Alam ko na kapag nalaman nila ang totoo na ako ang babaeng secret ex-girlfriend ni Adrian, pangdidirian nila ako. Pero wala akong pakialam na roon. Tapos na kami.
Nang makapasok ako sa Classroom namin, si Chelsea agad ang nakita kong kinakawayan ako. She's my long best friend since elementary and now grade 12 na kami. Always ko siya kaklase at always ko rin siyang nakakasama. 'Yong ex ko naman ay College na siya sa kabilang building, sa harap ng building ng Senior High namin. Malaki kasi 'tong School na 'to. Mayayaman din ang nag-aaral dito. Kami kasi ni Chelsea may Scholarship kaya nakapasok kami sa paaralang ito.
"Charm, kamusta ang puso mo? Ayos pa ba? Buo pa ba?" Ngumiwi ako. Nang-aasar na naman ito.
"Tumigil ka nga," suway ko at saka umupo sa bangko ko.
Alam ni Chelsea 'yong about sa amin ni Adrian. Syempre bestfriend ko siya, siya lang ang nakakaalam wala ng iba. May tiwala naman ako sa kanya dahil matagal ko na siyang nakilala at nakasama.
"Sus! Tignan mo kalat na kalat na bessy ang balita! Bakit mo ba kasi hiniwalayan 'yon? Gwapo naman siya sikat, hot, at yummy kaso babaero lang." Tumawa siya.
"Alam mo naman pala nagtatanong ka pa." Ngumuso ako saka dinuk-dok ang mukha ko sa lamesang kina-upuan ko.
"Ikaw talaga, pinapagaan lang ang puso mo. High blood ka, 'te?!" Inirapan niya ako.
Dumuk-dok lang ako high blood agad? Iba rin ang utak nito.
Mga ilang minuto ay dumating na ang teacher namin. Puro lecture lang ang ginawa namin sa morning class hanggang sa nag-bell hudyat para sa lunchtime namin.
"Tara na, bessy! gutom na ako!" exited niyang sabi at hinihimas ang tyan niya sabay padyak ng mga paa niya na parang bata.
"Halata nga eh," ngiwi kung sambit.
Ano pa bang aasahan ko, e. Mahilig ito sa pagkain. Hindi ata siya makakatulog kung walang pagkain sa tabi niya. Hindi ko alam kung bakit payat pa rin siya, e, ang takaw-takaw naman niya sa pagkain.
Pag pasok namin sa canteen, mga estudyante ang nagkalat ang bumungad sa amin, kumakain at nagkukumpulan. Hindi na ako magugulat, sanay na ako sa mga ganyan.
"Uy anong meroon?" tanong ng katabi ko.
Chismosa rin pala ito. Hindi niya ba alam na kasabay kaming pumasok sa cafeteria?
"Malay ko, kararating lang natin 'di ba? at saka magkasama tayo," ngiwi kong sagot naman saka kinuha ko ang wallet ko sa bag para ihanda ang ibabayad ko pag nasa akin na ang pagkain ko.
Siguro isang supot lang na rice at water battle na lang ang bibilhin ko, kailangan ko rin magtipid. Hindi pa 'ko nakakapag sweldo.
"Sabi ko nga!" Hindi ko na lang pinansin ang kabaliwan niya.
Hindi na lang namin pinansin din ang mga nagkukumpulan. Bigla akong napatigil dahil napansin kung hindi kami makadaan. Paano kami makakadaan niyan at makakabili ng pagkain? nasa malapit kasi 'yong nagkukumpulan sa bibilhan namin. Nakaharang sila. Ano ba kasi pinagkukumpulan ng mga ito?
"Pano 'yan?! Gutom na ako!" reklamo ng katabi ko. Nagbuntonghininga ako.
Wala kaming choice kundi ang sumiksik na lang. Naririnig ko ang mga sigawan nila, 'yong iba tumitili na parang may kakaibang ginagawa. hindi ko na lang pinansin iyon.
Habang nakikipagsiksikan ako ay bigla kung narinig ang pangalan niya na hindi ko inaasahan. Ewan pero napa tigila ako sa gitna. Hindi ko namalayan na nasa malapit na pala ako sa mga nagkukumpulan. No'ng makita ko kung sino 'yon. Biglang nanikip ang dibdib ko.
Adrian and Sophia. Naghahalikan sila! Sa lahat pa talaga sa maraming tao! Sa dinami-rami ko pang makikita bakit sila pa? Bakit siya pa? Bakit ang sakit pa rin?
Nakita kong tumingin sa gawi ko si Adrian at ngumisi. Hindi ko na mapigilan ang paninikip ng dibdib ko, para na itong sasabog. Panay ang tawag sa akin ni Chelsea pero parang wala akong naririnig. Sa hindi ko mapigilan, umalis na lang ako roon at iniwan si Chelsea na tinatawag pa rin ang pangalan ko.
Nakakainis 'yong peste na 'yon! Magsama sila ng Sophia niya!
Sana lang. . . sana lang hindi ko na 'to naramdaman pa. Dahil kung hindi. . . ako na naman ang masasaktan sa huli.
BINABASA MO ANG
Chasing Ex (Under Revision)
General Fiction(OLD VERSION) [AVAILABLE ON PSICOM APP] "I changed myself without anyone helping. I changed myself because of her, for her..." Charmaine is just a simple student with many ambitions in life. When her parents died, she was left alone and became free...