Kabanata 1: Kaibigan

2K 18 0
                                    

KAIBIGAN

Isang araw nalang at kaarawan na ng matalik kong kaibigan na si Zstyll. Simula nung nasa elementarya palang kami ay magkaibigan na kami hanggang ngayong high school, para ko na nga siyang kapatid dahil magsagang dikit kami palagi sa tuwing may mang aapi saakin dati ay lagi niya akong ipinagtatanggol, sa tuwing may kailangan ako ay lagi niya akong pinapahiraman kahit ano man ito. Kaya nga nag iisip na ako kung ano ang magandang sopresa para sa birthday niya. Tinawagan ko na yung iba naming kaibigan upang tulungan akong mag isip. At napag usapan naming bumili na ngayon ng mga gagamitin para bukas para hindi na kami magahol sa oras . Bumili kami ng mga balloon, crepe paper, colored paper at iba pa. Bumili na din kami ng kanya-kanya naming regalo, pero tong akin sana magustuhan niya kasi wala talaga akong pera ngayon eh, pinag ipunan ko talaga tong birthday ni Zstyll pero na ospital kasi si mama kaya nagastos namin ito.

Nagsi uwian na kaming lahat at kinausap ko na din ang magulang ni Zstyll na kung pwede ay sa may bahay nila naming gawin yung surprise at pumayag naman sila at sabi pa nila ay lalabas daw sila at lilibangin si Zstyll sa araw ng birthday niya para magkaroon daw kami ng mahabang oras para maka prepare. Ang swerte talaga ng best friend ko dahil sobrang supportive ng parents niya, sakin kasi magmula nung iwan kami ni papa ay nalulong na si mama sa sugal kaya ayun naubos lahat ang pera namin. Hindi na din kami sinusuportahan ni papa kaya ang aga kong naging bread winner ng pamilya ,kayod dito kayod doon, sa tuwing walang pasok ay nagtatrabaho sa fast food chain bilang isang waitress, pagkatapos naman ng shift ko ay naghahanap ako ng ibang mga raket, nasubukan kong magbenta ng balut, chicharon at iba pa, naging labandera din ako, baby sitter at marami pa.

Tatlo kaming magkakapatid, ako yung pangalawa. Si kuya kasi maagang nagkapamilya kaya ayun bumukod na sila at paminsan minsan naman ay nagpapadala siya ng pera saamin, ako na ang kumukuha ng padalang pera ni kuya dahil nung si mama ang kumuha nito ay pinang sugal niya yun.

Pauwi na ako ng bahay dahil magdidilim na din at nung malapit na ako dito ay narinig kong umiiyak si bunso kaya agad agad akong tumakbo para tignan kung ano ang nangyayari. Pinagpapalo ni mama si Troy kaya agad akong lumapit sakanila at pinigilan si mama.

"Ma, tama na po yan, nasasaktan po siya" pagpipigil ko kay mama pero imbes na tigilan niya ang ginagawa niya ay tinuloy niya lang ito kaya niyakap ko nalang si Troy para maprotektahan siya kaya imbes na siya ang mapalo ay ako nalang ang sumalo nito. Buti nalang dumating yung mga kapitbahay kaya natigilan si mama.

Hindi lang ito ang una niyang ginawa saamin 'tong magkapatid, hindi ko rin kayang labanan si mama dahil nirerespeto ko pa rin siya pero minsan na ding pumasok sa isip ko ang lumayas kasama ang kapatid ko para makalayo na kami sa pagpapahirap ni mama.

Dito nalang muna kami nakitulog kina tita Tess, kapitbahay namin, isa siya sa mga taong tumutulong saamin sa oras na ganito. Hindi man sila ganung kayaman ay ang saya saya naman ng pamilya nila. Pinapunta niya kami sa may kwarto nila at binigyan niya din kami ng panggamot para sa mga galos na natamo naman sa mga palo ni mama. Inuna kong ginamot yung kay Troy para makapagpahinga na siya. Pagkatapos ko siyang gamutin ay lumabas muna ako at tumingin sa langit, pinagmamasdan ko ang mga bituin na ang ganda ng kinang at naisip ko na kailan din kaya kikinang ng ganyan ang buhay namin. Naaalala ko tuloy noong buo pa ang pamilya namin.

Simple lang ang buhay namin noon pero masaya, isang OFW si papa at si mama naman ay nagbebenta ng mga kakainin sa mga subdivision. Sa tuwing uuwi si Papa ay lagi kaming lumalabas, pumupunta kami sa mall para bilhan kami ng gamit, sa may parke para makapaglaro at makapagbonding na din, namimiss ko tuloy ang lahat ng yun. Pero nung dumating yung araw na pinagdudahan ni mama si papa na nagbababae daw siya sa ibang bansa dahil sinabi ito ng kanyang kumara ay doon na nagsimulang gumulo lahat. Lagi ko nalang naririnig na nag away sila sa may telepono, nagsisigawan at pataasan silang dalawa ng pride.

SalamisimWhere stories live. Discover now