Kabanata 2: Kaarawan

579 7 0
                                    

KAARAWAN


Gumising kami ng maaga lahat at napagplanuhan naming na dumito nalang muna kina Liam habang di pa umaalis ang pamilya Evans. Sabi sakin ni Tita Claire ay mga 7:30 daw sila aalis at babalik sila mga bandang 5 na ng hapon, matagal na din para makapagprepare kami ng maganda sa loob ng bahay nila. Bale dalawa ang aayusan namin, yung sa may dining area nila, paglagyan ng mga pagkaing niluto naming kahapon, at pangalawa naman ay doon sa kwarto ni besty. Doon namin ikakabit yung mga binili naming crepe paper, mga pinadevelop naming pictures na kasama siya, stuff toys, balloons at yung mga regalo namin sakanya.

Habang nag uusap kaming lahat kung tama na ba ang plano ay siya namang pagtawag sakin ni Tita Claire na paalis na daw sila at hindi nila sinarado ang pintuan sa likuran nila kaya doon nalang daw kami dumaan at nagpasalamat na ako kay tita.

Sinunod naman namin ang sinabi ni Tita Claire at doon kami sa likod dumaan. Pagkapasok naming sa loob ay sinimulan na naming yung plano. Iniwan naming lahat yung mga gamit naming sa may sala para iwas abala. Sina Tracy, Angelika at Love ang bahala sa may kusina at kami naman ni Liam ang nakatoka sa may kwarto ni besty.

Ako na ang nagpresinta na magkabit ng mga crepe pape sa dingding at si Liam naman ang bahala sa pagbomba ng mga balloons pero parang mali ang napili kong trabaho, nakapatong na ako sa lamesa pero di ko pa rin abot kaya nagtiptoe ako para maabot yun, nadikit ko nga yung crepe paper pero di ko nabalance ang sarili ko at muntikan na akong mahulog buti nalang ay nahawakan ako ni Liam.

"Ayos ka lang ba Sivann?" bakas sa mukha niya ang pag alala.

"Oo naman okay lang ako salamat nga pala" pagpapasalamat ko sakanya at napalitan na ang mood ng mukha niya na kanina ay nag aalala ay naging masigla na ulit at mukhang kinikilig pa siya. Binaba niya muna ako sa lamesa at bigla siyang tumalikod.

"Sorry nakakahiya HAHAHA! iba talaga tama ko sayo kahit simpleng thank you mo lang ay kinikilig na ako" ani niya na nagpatawa saakin.

"Ako nalang ang mag kabit nito at ikaw nalang bahala diyan sa mga balloons" sambit niya at umoo nalang ako.

Maghahapon na at natapos na din namin ang lahat ng nakalagay sa plano namin. Narinig kong nagring yung phone ko sa labas. Kaya pinasagot ko nalang muna kay Angelika.

"SIVAAAAAANN" sigaw ni Angelika sa labas ng kwarto na akala mo ay may nangyayaring masama. Kaya lumabas kami ni Liam para tignan kung anong nangyari, at doon namin nakita ang maluha luhang mata ni Angelika.

Kinabahan tuloy ako kung sino yung tumawag at ganun nalang ang itsura ni Angelika ng kausapin namin siya kung anong nangyari ay hindi siya makasalita. Kumuha ako ng tubig para mas umokay siya. Habang binibigay ko yung tubig ay nakita ko ang phone ko na on call pa rin kaya sinagot koi to.

"Hello po miss Sivann, andiyan pa po ba kayo?" tanong ng nasa kabilang linya. Di na ako nag atubiling sumagot para malaman kung ano ang nangyari.

"Hello po sino po sila at bakit hawak mo ang cellphone ni Tita Claire?" tanong ko sakanya habang galit nag alit. Kinakabahan na ako sa isasagot niya, bumibilis na ang tibok ng puso ko.

"Ako po si Lovely, papunta po kami ng ospital ngayon nadisgrasya po sila" pagkabigkas niya palang ng mga salitang yun ay siyang pagbagsak ng mga luhang kanina pa nagbabadyang lumabas. Di ko na kayang magsalita pero sinubukan ko pa rin para matanong kung saan silang ospital pupunta.

"Saang ospital po kayo pupunta? Okay lang po ba silang lahat? Ano pong nangyari?" dire diretso kong tanong kay Ate.

"Sa may district hospital po" pagkasabing pagkasabi palang niya ay pumunta na kami ni Liam sinabihan ko nalang sina Tracy na ilock nalang ang pintuan kung uuwi na sila.

SalamisimWhere stories live. Discover now