(Basahin mo to habang nakikinig sa kanta)
"You're just my fangirl!" sigaw niya na ikinatigil ko.
Napatigil din siya agad ng biglang tumulo ang aking luha galing sa aking mata.
"I-I'm sorry, diko sinadyang sigawan ka" paghingi niya ng pasenysa at akmang hahawakan na sana ako ng bigla kong iniwaksi ang kanya kamay tsaka siya tinignan sa mata.
"Oo, fangirl mo lang ako"
"Oo, wala akong karapatan sa lahat"
"Oo, di ako karapatdapat"
Sunod sunod kong saad na ikinayuko niya.
"D-di sa ganon" napatigil nan siya ng bigla akong sumingit.
"Well, ganon yun!" sigaw ko na ikinayuko niya ng husto.
"Oo, fangirl mo lang ako pero p*ta nasasaktan din ako!" sigaw ko tsaka dinuduro ang kaniyang dibdib.
"Sobrang sakit habang tinitignan ka mula malayo, sobrang sakit kasi alam kong hanggang tingin lang ako" giit ko sakaniya.
Puno na ang luha ko habang naliligo kami pareho sa ilalim ng ulan.
Pagod na ako....sobra
"Itigil na natin to" saad ko dahilan para mapatingin siya sakin tila di makapaniwala.
"A-ano? Please wag" pagmamakaawa niya.
"Pagod na ako, sobrang pagod na" saad ko mulit dahilan para mapahikbi siya.
"D-Devine naman eh, akala ko ba di moko susukuan?" tanong niya tsaka ako niyakap ng mahigpit.
"Please? Wag mong gawin to, magbabago na ako basta't wag..." tila isa siyang bata na pinipigilang wag umalis ang ina.
"Sa sobrang tagal kong naghahabol sayo, sa sobrang tanga ko pagdating sayo di ko namalayan na sumuko na pala ako sadyang ayaw ko lang bumitaw" saad ko tsaka mahinang napatawa.
"Pasensya na Chester, pero noon palang binalewala mo na ako"
"Noon palang sumiksik lang ako sayo baka sakaling mahalin mo'ko"
"Mahal kita" saad niya na ikinangiti ko sakaniya ng matamis.
"Stop lying, never once did you love me" saad ko tsaka hinawakan siya sa pisnge.
"Chester Lapaz? Miss Devine Guerrero is now signing off as your fangirl and also signing off as your girlfriend, paalam"
BINABASA MO ANG
Diary ng isang Fangirl
FanfictionFangirl mo lang ako pero minahal din kita.. Fangirl lamang ako pero nasasaktan din ako dahil sa'yo... Nakatingin mula malayo.. Minamasdan ka ng patago.. Fangirl mo lamang ako pero sinusuporta din kita sa halos lahat ng bagay.. Nasasaktan din kami ng...